Advertisers

Advertisers

Sen. Bato sampahan ng ethics complaint – SP Sotto

0 7

Advertisers

HINIMOK ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang mga bumabatikos laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na magsampa na lamang ng ethics case kasunod ng pag-absent ng huli.

Ito ay sa halip na amiyendahan ang rules ng Senado para parusahan ang sinumang senador na madalas lumiban.

“Siguro kung merong mga kababayan tayo na gustong tanungin ito, gustong panagutin ang legislator, mag-file sila ng ethics complait. Yun ang pinakamagandang remedyo, para matalakay natin ito,” pahayag ni Sotto sa ambush interview.



Ayon sa Pangulo ng Senado, hindi naman bago o kakaiba ang ilang linggong pagkawala ni Dela Rosa, dahil may ilang Kongresista na halos isang taon nang hindi nagpapakita ngunit patuloy pa rin tumatanggap ng kanilang sahod.

“Sa Congress nga, mayroong isang buong taon hindi pumapasok eh. Wala naman silang ginagawa, wala rin umaangal eh. Diba? O eto, 2 to 3 weeks pa lang,” patuloy ni Sotto.



Hanggang ngayon aniya ay hindi pa nakikipag-ugnayan sa kanya si Dela Rosa, ngunit tiniyak nito na nananatiling functional ang kanyang opisina.

Patuloy aniyang tumatanggap ng sahod si Dela Rosa dahil nakalaan na ito.



Nilinaw din ni Sotto na ang mga senador ay hindi sakop ng “no work, no pay” na ipinapatupad sa karaniwang mga empleyado.

Matatandaang sinabi ni Sen. Win Gatchalian na sa pagkakaalam niya ay hindi umano sakop ang mga senador ng “No Work, No Pay”. (Mylene Alfonso)