Advertisers
SA usapang Sports, iba ang dating ng Atletang Pinoy na nasa kategorya ng pambato sa world stage. Masarap isigaw ang linyang, ‘Proud Pinoy here!’ lalo sa harap ng international Sports aficionados.
Tampok ngayon ang muling pagbida sa international stage ng top tennis sensation ng Pinas na si ALEXANDRA ‘Alex’ EALA katuwang si BRYAN BAGUNAS sa darating na Disyembre 9, bilang flagbearers ng Team PILIPINAS para sa opening ceremony ng 33rd Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Bangkok, Thailand.
Ayon Kay Philippine Olympics Committee (POC) President ABRAHAM ‘Bambol’ TOLENTINO sila ang napili mula sa mahigit 1,500 atleta para iwagayway ang bandera ng Pinas sa international event. Ang pagpili ay base sa kanilang hardwork na nagbibigay-inspirasyon sa mga atleta at sa publiko.
Undeniably, kasalukuyang popular si EALA sa international scenario mula sa historic wins na naitatak bilang Pinay Tennis sensation sa pinakamataas na ranking sa World Tennis Association (WTA) mula sa linya ng panalo tampok ang US Open Championship.
Patuloy na sinusubaybayan sa bansa at sa international stage si EALA na humahakot pa ng mga kasunod na victory, patuloy na natututo at nag-iipon ng bangis if ever may loss. So far, hindi biro ang mga tinalo nito na may malalaking pangalan na sa WTA.
Remarkable ang pag-ariba ni EALA na 1st Filipina to win a grandslam match versus World #14 CLARA TAUSON sa 2025 US Open sa exciting na 6-3, 2-6-26 comeback victory to the final set ng kanyang tagumpay, na nagpakita sa mundo ng puso, tapang at dangal ng Isang Pinoy athlete. Well, as we are all aware of, isa pa lamang sa bunton ng Sports world champions si EALA mula sa Pinas.
Si BAGUNAS naman ang nanguna sa tagumpay ng Team ALAS PILIPINAS versus Egypt sa FIVB World Championship at versus Iran. Abangan po natin ang mga susunod na development mula sa inilaan 300 margin contingent ng PILIPINAS na posible rin naman bumaba sa 200 dahil sa pagkonsidera sa mourning situation ng Thailand at sa disaster effects, ayon sa ulat.
Sa gitna ng malalang kontrobersya sa bansa dulot ng flood control mess sangkot ang top officials ng gobyerno, may kislap ng pag-asa sa dangal ng bawat Pinoy sa bawat victory ng ating Sports champions. Saludo sa Pinoy Athletes, officials, sponsors, at supporters. So there!
oOo
DECEMBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to JACQUELINE GARCIA FRANCISCO (Singapore) and NORGEN WILDER (Laguna). MBTC and Best blessings. HAPPY READING!