Advertisers

Advertisers

Sahod ng military at uniformed personnel itataas simula 2026

0 15

Advertisers

TATAASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sahod ng lahat ng military at uniformed personnel (MUP) sa susunod na taon bilang pagkilala sa kanilang serbisyo sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad at banta sa seguridad.

Sinabi ni Pangulong Marcos, sasaklawin ng dagdag-sahod ang uniformed personnel mula sa Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Corrections (BuCor), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Ipapatupad ang taas-sahod sa tatlong bahagi, ito ay sa January 1, 2026, January 1, 2027, at January 1, 2028.



Hindi naman binanggit ng pangulo kung magkano ang idadagdag sa sahod ng mga uniformed personnel pero sa ngayon, nasa P30,000 ang base pay ng sundalong may pinakamababang ranggo.

Bukod dito, simula January 1, 2026, tataas sa P350 kada araw ang Subsistence Allowance ng lahat ng MUP, mula sa dating P150.



Giit ng pangulo, karapat-dapat lamang na mabigyan ng makatarungang sahod at sapat na suporta ang mga nagtatanggol at naglilingkod sa bayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">