Youtube Superstar Alex Gonzaga May Bagong Single Na “KABA”; Beaver Magtalas At Co-Star Hunt Academy Trainees Nag-perform Sa Huge Concert Ng Bini Group Sa PH Arena
Advertisers
Ni Peter Ledesma
After ng contract signing, nila ng sister na si Toni Gonzaga sa endorsement nilang Hikari AURUM. At pamamahala ng marketing at promotions ng pag-aari nilang Chef Ayb’s Paragis, ni Chef Ayb’s. At endorser siyempre nito along with her parents Mommy Pinty and Daddy Bonoy at ambassador na mister na si Vice Mayor Mikee Morada. Pino-promote rin ngayon ng isa sa Youtube Superstar na si Alex Gonzaga ang follow-up revival single niyang “KABA” sa O/C Records ng couple na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza. Gen Z na Gen Z ang version ni Alex ng Kaba ni Tenten Muñoz kaya’t tiyak na magugustuhan ito ng fans ng multi-talented star na si Alex
As Iv’ed heard, ay marami ng nag-iistream ng bagong song na ito ni Alex mga popular Digital music platforms gaya ng Spotify, iTunes, Apple Music, Etc.
Nauna nang ine-release ang revival ni Alex ng “PASULYAP-SULYAP” na unang pinasikat ni Tootsie Guevarra at maganda rin ang naging resulta nito. Yes palaki nang palaki ang fan base ni Alex at umabot na sa 15 million ang subscribers nito sa kanyang official Youtube Channel na ALEX GONZAGA. Ang Facebook Page naman ng actress-comedianne ay meron ng 14 million followers at 12.9M naman ang followers niya sa kanyang IG account. In all fairness Alex, is very consistent to her Vlog na bawat episode ay milyon ang views.
***
Wow, pwede ng gawing Boy group ng Star Magic Philippines ang kanilang STAR HUNK Academy Trainees na kinabibilangan ng actor singer na si Beaver Magtalas. Nag-guest kasi ang grupo ni Beaver sa recent concert ng Bini Group na “BINIFIED BINI” sa Philippine Arena very huge sucess na naman. At kung pagbabasehan ang ipinakita nilang performance na humataw sa kanta at sayaw ay pwedeng-pwede na silang makipagsabayan sa mga kilalang local Boy group.
At infairness sobrang lakas ng karisma ni Beaver nagtilian at palakpakan nga ang fans sa part na kumakanta siya at sumasayaw ng Dilaw. Yes Beaver is multi-talented actor at nasa kanya na lahat ang qualities para maging big star in the future. Abangan pala si Beaver, sa kanyang pagbibidahang Cinemalaya Film.