Advertisers

Advertisers

Diane de Mesa wish maging theme song sa teleserye o pelikula ang kanyang kanta

0 13

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

Diane de Mesa, wish maging theme song sa teleserye o pelikula ang kanyang kanta

MAY bagong Christmas song si Diane de Mesa at ito’y pinamagatang “Do You Feel Christmas?”

Ikinuwento ni Diane ang hinggil sa kanyang bagong song.

Aniya, “Ang Do You Feel Christmas? ay para sa mga may nami-miss during the holiday season. Na kahit pilitin nilang maging masaya, hindi nila maramdaman ang tunay na saya na dala ng Kapaskuhan dahil may isang taong hinahanap-hanap pa rin nila.

“Maaaring para sa mga taong kaka-break lang or malayo sa kanilang mga mahal sa buhay ang kantang ito.”

Dagdag pa ng singer-songwriter, “Another “hugot” emotional sentimental love song ito, para sa mga makaka-relate at target ko ang mga may pinagdadaanan ngayong Pasko, kung kailan dapat ang lahat ay magsaya.”

Nabanggit din niya ang naging inspirations sa paglikha ng nasabing Christmas song.

“Ang inspiration ko sa paglikha ng Do You Feel Christmas? ay ‘yung mga emosyon na nararamdaman ng maraming tao tuwing Pasko-nostalgia, longing, at ‘yung paghahanap ng warmth kahit may kaunting lungkot. Gusto kong i-dedicate itong awitin ko sa mga makaka-relate sa ganitong sitwasyon, ang mga malulungkot ngayong Pasko.

“When I wrote the song, inilagay ko yung sarili ko sa kung ano ang nararamdaman ng mga taong may nami-miss sa Kapaskuhan, when it’s supposed to feel magical. Na sa gitna ng kasiyahan, deep inside your heart ay may kulang… I wanted to capture that bittersweet mix of nostalgia, hope, and longing that many people experience during the holidays,” esplika pa ni Ms. Diane.

Nakakabilib din nang nalaman namin na nasa 1000 songs na ang nalikha niya. “I have written about 1,000 songs, pero iyong iba roon ay mga lyrics and melody pa lang at wala pang final arrangements. Sa mga albums and singles ko naman, I’m approaching at least 200 songs na – ang mga compositions ko na na-release ko na.”

Ayon pa sa singer na isang full-time registered nurse, “I’m currently working on my seventh studio album to be released next year, 2026,”

Ano ang maituturing niyang highlight ng kanyang singing career?

“Ang mai-consider kong highlight ng aking singing career ay ang aking naging concert sa SM North Edsa Skydome, “Diane de Mesa Live in Manila” noong 2023. It was an amazing moment during the concert, and performing along with Kuya Elmer Blancaflor, my musical director and the amazing band, as well.”

Lastly, sinabi rin ni Ms. Diane ang wish niyang mangyari pa sa kanyang singing career.

“Sana one day ay maging theme song sa teleserye or pelikula ang mga kanta ko, dahil perfect ito sa mga kuwento ng mga puso at buhay,” pakli pa niya.