Advertisers
MAY nagpa-abot ng hinaing sa ating desk mula sa mga konsernadong mamamayan sa Lungsod Tacloban na nasa lalawigan ng Leyte.
Ayon sa concerned citizens, may isang dambuhala pero misteryosong proyekto sa may baybayin ng siyudad dahil aniya ay sa gabi ang operasyon habang sa araw ay istagnante lang na nakadaong ang higanteng barge na isa sa instrumental equipment sa proyektong di umano alam ng mamamayan kung ano ito partikular iyong mga naninirahan sa tabing dagat na lubhang apektado ng anila ay misteryosong proyekto na para nga ba sa tao o sariling interes ng mga maimpluwensyang tao sa lungsod na iyon sa Leyte.
Ang naturang proyekto anila ay sa gabi ang operasyon habang sa araw ay istagnante ang kagamitang pandagat na lubhang malaking katanungan sa taga-roon na nag-aantay ng kasagutan dahil di birong perwisyo ang dulot na ingay ng makinang naghuhukay sa tubigan ilang metro lang ang layo sa baybayin na pawang tourist destination ang lunduyan.
Ang mahiwaga roon ay walang awareness umano sa publiko ang proyekto na ang lubhang apektado ay ang taumbayan sa baybayin.
Kung anuman ang pakay ng proyekto, kung makabubuti sa tao, fine; kahit me sakripisyo ng perwisyo,pero kung sa pansariling interes lang ito ng kung sino mang may pakana ng misteryosong proyekto ayon sa mga konsernado, aýaw ni PBBM ng ganyan…lalo ngayong matindi ang isyu kòntra sa ghost project, madadagdagan pa ng misteryo…wika nga ng Pangulo… MAHIYA NAMAN KAYO!
Bukas ang pitak na ito sa paliwanagan ng isyu pampubliko.
MISMO!
Lowcut: Special shoutout kay M’dam Christine Rivera , owner ng tanyag na GEMZON Marble Memorial Contractor diyan sa Loyola Marikina.Gayundinzon kay Kuya Rey at mga reliable at very courteous staffs ng GEMZON kaya bumabalik-balik ang kanilang mga kliyente.Merry Christmas sa inyo!
Kudos sa ating suking newstand owner diyan sa Barangka, MC.na si Ka Dominador ‘ Ador’ Rosendo Maaga pa lang ay ubos na ang PFT at suki ng inyong Uppercut… PUGAY!