Advertisers

Advertisers

Luis Manzano at Jessy Mendiola, gusto na ng second baby pero ayaw pa ni Peanut na may kalaro

0 57

Advertisers

Ni Anne Venancio

Pinagpaplanuhan na nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang pagkakaroon ng second baby pero ayon sa mag-asawa, tila hindi pa ready na magkaroon ng kalaro ang kanilang anak na si Isabella Rose o “Peanut dahil siya raw ang “princess” ng pamilya.

Giit naman ni Luis, mas kumportable na siya ngayon sa kanyang direksyon sa showbiz lalo na’t aktibo siya sa pagho-host kabilang ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na umeere sa GMA 7. Nilinaw din niyang wala na siyang planong bumalik sa politika. Sa ngayon, mas inuuna niya ang kanyang pamilya.

Huminto muna ang aktres sa sunud-sunod na proyekto upang tutukan ang paglaki ni Rosie.

Nagreak din ang mga ito tungkol sa pahayag ng DTI na kasya na ang P500 pang-noche buena. Para kay Jessy, ‘di sapat ang P500 sa taas ng bilihin. Para naman kay Luis, posibleng budget ito “para sa dalawa” lang.
***
Ai-Ai delas Alas naalala ang ex-mister na ‘di umiyak sa kanilang kasal
Nagreak si Ai-Ai delas Alas matapos mapanood ang compilation ng mga wedding clips sa Instagram kung saan marami sa mga groom ang umiiyak habang nakikita ang kanilang bride, eksenang nagpangiti sa komedyante.

Ani Ai-Ai, napaisip siya dahil hindi ganoon ang naging reaksyon ng kanyang estranged husband na si Gerald Sibayan noong kasal nila. “Pag nanonood ako ng mga groom na umiiyak, napapa-smile ako… P.I kaya pala yung saken dati hindi ganito ang reaksyon,” aniya.

Nagkomento rin ang ilang kaibigan sa showbiz, kabilang si Amy Austria. Pabiro namang sinagot ni Ai-Ai ang tanong tungkol sa kanyang ikalawa at ikatlong kasal, kay Jed Salang noong 2013 at kay Gerald noong 2017na mas kaunti umano ang emosyon kumpara sa nakitang viral clips.