Advertisers
Ni Beth Gelena
Sobrang kinabahan si Kaila Estrada matapos masaksihan ang pagwawala ng isang lalaki sa event na kanyang in-atenan kamakailan. Kung saan siya ang winner sa dinaluhang event.
Isang lalake na may payong ang pinipigilan ng staff na nagdulot ng ingay at atensyon. Makikitang napahawak sa kanyang dibdib si Kaila dahil sa pagkabigla habang papasok sa elevator.
Wala namang masamang nangyari sa aktres at matiwasay siyang nakaalis.
Sa video, makikita ang dalawang marshalls na inaawat ang isang lalake na may hawak na payong.
Hindi malinaw kung ano ang pinagmulan ng tensyon—kung may nakaalitan ba ito o kung may ginawang hindi kanais-nais—ngunit kapansin-pansin ang pagsisikap ng staff na ilabas siya sa backstage area upang maiwasan ang mas malaking kaguluhan.
KIM TINULUYAN DINEMANDA SI LAKAM
Marami ang nalungkot nang magfile na ng kasong qualified theft si Kim Chiu sa kapatid niyang si Lakam.
Ang akala ng netizens ay okey na ang magkapatid, pero bakit kaya biglang nagbago ang isip ni Chinita Princess.
Ayon sa report ni MJ Felipe, “Kim Chiu has formally filed a qualified theft complaint against her sister Lakambini Chiu after discovering serious financial discrepancies in their business venture.
“In her official statement, Kim said that she took the legal step after substantial amounts connected to my business assets were found missing.
“According to her legal counsel, there were several attempts and meetings to solve the problem internally.”
Ang nakakalungkot lang kung kelan pa magpapasko saka nagdesisyon si Kim na sampahan ng kaso ang nakakatandang kapatid na si Lakam.
Non bailable umano ang nasabing kaso.
CARLA HINDI NATRAUMA SA KASAL
Usap-usapang engaged na umano si Carla Abellana sa kanyang boyfriend na doktor.
Sa IG Stories ng Kapuso aktres may post siyang Proverb: “Jeremiah 29:11 “For/I know the plans I have for you, / declares the LORD/” Plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future./”
Komento ng netizens: “Ang daming paandar. Eh di pakasal na siya. Pa mystery pa sa guy niya.”
“Misteryo para sa mga tsismosa tulad natin para iwas sa pamimintas. Ang importante, kilala ng family and close friends niya.”
“Paki mo, it’s her personal life and she wants to treasure it after heartbreak, upgrade.”
“Shunga! Nagkamali siya sa pagpapakasal sa matagal na niyang ex. Tama lang ginagawa nya slowly but surely. Ano gusto mo gaya ng ex nya na nag buntis na agad? Tse!”
“Iba din pag maganda e di nabakante ng matagal”
“bakit nga naman magpapakalungkot e maraming mas higit pa dyan”
“pag mahal ka ng guy, pakakasalan ka agad.. wala nang chechebureche hahaha…. kung tumagal pa ng 2yrs + bago nag propose… wishing pa yun na sana may dumating pa na mas maganda at mas malaki b00bs sorry but that’s the truth”
“Carla ang bilis mo naman. Ayaw patalo kay loisa”
“Wala naman kasi sa haba ng relasyon yan. And besides, consider mo din edad nila. Kung ikaw si Carla, maghihintay ka pa ba ng 9 years? At kung ikaw naman si Loisa, magpapakasal ka ba when you’re 17?”
“Major major upgrade sa ugali pa lang mabait si doc. Kilala ko siya since medical school”
“major upgrade sa ugali? Naniniwala naman ako sayo na mabait si doc curious lang ako kilala mo din ba si Tom since bata para masabi mong major upgrade yung comparison mo?”
“mainitin ulo nun,napanood ko dati sa pbb sinuntok dingding”
“somehow nakita na mga dark side nya because of pbb. Nagsalita pa nga noon yung naging kalive-in nyang housemate din (i forgot the name) na battered gf sya kaya naghiwalay sila.”
“ito ay tunay na mapagmahal sa pangalawang pagkakataon. Deserve mo yan, Carla. Pero pls, huwag kang tumigil sa pagiging tawag namin kay kween.”
“Sa pagkakataong ito ay ang lalaki na ang magbibigay sa kanya hindi ang kabaliktaran.”
“Kung minsan kailangan talaga tayong masaktan ng sobra to realize our worth. Congrats and best wishes”
“Kasal na agad agad huwag na patagalin baka mapurnada ulit kse.”
“Wishing and hoping na siya na ang lalaking deserve ni Carla. Best wishes sa kanilang dalawa.”
“Sana yan na talaga. Congrats Boobay!”
“Deserve maging masaya!”
“Doc, patatagin mo loob mo. Walang second chance kay CA. Baka makitulog ka sa mga friends mo.”
“Oh well..umabot sana ng 1 year.”
“Count 2 months di tatagal. Mauulit ang kasaysayan!”
“Buti hindi sya na trauma magpakasal. Kung ako kasi sya, mattrauma ako. Live in nalang.”
***
Guest si Annabelle Rama sa Christmas Party ng Bilyonaryo Channel.
Binati niya ng Merry Christmas ang mga bossing ng nasabing kumpanya kung saan sinabi niyang “naging favorite ko ngayong panoorin ang Agenda News nila. Parang natalo na nga nila ang ABS-CBN News. “