Advertisers

Advertisers

STRONGHOLD NG DISCAYA SABIT ULI SA INSURANCE!

0 38

Advertisers

PINAIIMBESTIGAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagkakasama ng Stronghold insurance consortium sa Passenger Personal Accident Insurance (PPAI) para sa public utility vehicles kahit hindi ito nakapagsumite ng required documents sa itinakdang deadline ng ahensiya.

Batay sa ipinalabas na Circular Letter ng Insurance Commission na pirmado ni Commissioner Reynaldo Regalado, ang mga aplikante para sa Management Company ng insurance consortium ay dapat makapagsumite ng lahat ng mga kailangang dokumento animnapung (60) araw bago pa mag-expire ang 5 years accreditation nito.

Ayon sa LTRB insider, pumatak sa November 30, 2025 ang last day ng submission ng lahat ng requirements, subalit ang Stronghold consortium ay nabigyan parin ng accreditation kahit December 1, 2025 na ito nakapagsumite ng kanilang mga dokumento.



Minsan nang naging kontrobersiyal ang Stronghold insurance nang matuk-lasan na ito ang insurance company na kinuha ng mag-asawang Sara at Curly Discaya sa kanilang mga nakuhang flood control project sa DPWH.

Batay pa sa Circular, ang “Management Company” ay kailangan kinapapalooban ng 13 na magkakasamang insurance companies. Kasama ng Stronghold ang Milestone, Bethel, Sterling, Mercantile, FPG, Manila Bankers, Corporate Guarantee, Asia United, Climbs, Oona, Malayan at Perla.



Pinagbabawalan din ng Circular na magparehistro sa dalawang Management Company ang alinmang insurance entity upang maiwasan ang anumang pagkakagulo sa sistema.

Ang Asia United Insurance, Inc na unang nakapaloob sa SCCI Management & Insurance Agency Coporation ay nag-last minute switch o lumipat sa Stronghold consortium na isang paglabag sa IC Circular.



Nobyembre 24, 2025 nang mag-withdraw ng membership ang Asia United sa SCCI, o anim na araw bago ang itinakdang November 30, 2025 submission deadline.

Nanawagan ang mga opisyal ng LTFRB sa IC na imbestigahan ang kontrobersiyang ito dahil malalagay sa panganib ang mga pasahero ng pampublikong sasakyan kung hindi malinaw ang sistema ng insurance na titiyak sa kanilang kaligtasan.