Advertisers
NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng tatlong bagong miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ito’y batay sa appointment paper na ipinadala ni PBBM kay MTRCB Chairperson Diorella Maria “Lala” Sotto-Antonio at may petsang December 2, 2025.
Kabilang sa mga bagong miyembro ng MTRCB sina Nestor de Guzman Cuartero, kapalit ni Jerry Talavera; Maria Rosario Garcia Fabregas, kapalit ni Cherry Anne Espion, at Ma. Cecilia Diaz Villarosa, kapalit ni Jan Marini Cadungog.
Manunungkulan sa ahensya ang mga bagong opisyal hanggang Sept. 30, 2026.
Pinahihintulutan naman ang mga ito na manumpa at simulan ang pagtupad sa kanilang tungkulin, sa kondisyon na magpasa sila ng kopya ng kanilang Oath of Office sa Office of the President (OP) at Civil Service Commission (CSC). (Gilbert Perdez)