Advertisers

Advertisers

Aso natagpuang putol ang dila sa Valenzuela

0 15

Advertisers

Natagpuang brutal na pinutulan ng dila ang isang aso sa Barangay Balangkas, Valenzuela City.



Batay sa ulat, sinabi ng may-ari na si Rodlee Rivera-Zulueta na madaling-araw ng Disyembre 9 nang makita niya ang mga patak ng dugo sa Aratiles St.

Nakatali umano ang anim na taong gulang na alagang aso na si Kobe sa loob ng compound nguni’t nakatakas at natagpuan na lang na duguan, nanghihina, at tila nag-aagaw-buhay.

Agad namang isinugod sa veterinary clinic ang aso, kung saan ibinalita ng beterinaryo na hindi na maibabalik ang malaking bahagi ng naputol na dila.

Ayon pa sa beterinaryo, napinsala ang kritikal na mga ugat na mahalaga sa pagkain at paghinga ng aso.

Kinondena naman ng publiko at animal welfare groups ang natu-rang insidente at nanawagan sa mga awtoridad na magsagawa ng imbestigasyon.

Patuloy naman na nagpapagaling si Kobe. (Beth Samson)