Advertisers

Advertisers

Magkapatid na PWD pinatay ng tatay

0 26

Advertisers

NASAWI ang magkapatid na Person With Disability (PWD) nang martilyuhin ng sariling ama sa Gingoog City, Misamis Oriental nitong Huwebes, Disyembre 11, 2025.

Ayon sa ulat, nasa edad 20 at 21 taon gulang ang mga biktima na kapuwa nasa loob lamang ng kanilang bahay nang atakihin ng kanilang ama.

Lumabas sa imbestigasyon ng Gingoog City Police Station, martilyo ang ginamit ng ama sa pagpatay sa kaniyang mga anak, dahil umano sa matindi niyang awa sa kondisyon ng mga ito.



Mariin namang pinabulaanan ng kanilang mga kaanak ang depensa ng ama, at iginiit na matagal nang walang malasakit ang ama sa kaniyang dalawang PWD anak.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang ama, matapos niyang tangkain kitilin ang sariling buhay.



Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad, pati narin ang background checking sa pamilya ng ama at biktima, partikular na ang pagsusuri sa kondisyon ng mental health sa lahi nila.

Nanawagan din ang pulisya na dumulog ng propesyonal na tulong kung sakaling may mapansin na kakaiba sa emotional at mental health ng mga kapamilya.



Humihingi naman ng tulong pinansyal ang kaanak ng mga biktima para sa pagsasaayos ng libing ng magkapatid at para sa iba pang gastusin.