Advertisers
HINILING na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa International Criminal Police Organization (Interpol) na maglabas ng ‘red notice’ laban kay dating Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co.
Kinumpirma ito ni NBI Spokesperson, Atty. Palmer Mallari, nitong Biyernes, Disyembre 12. Aniya, idinaan ang hiling sa Philippine Transnational Crime.
“Nagpadala na kami ng aming request for inclusion sa red notice kay Zaldy Co noon pang November 23,” pahayag ni Mallari.
Aniya, kapag naaprubahan ng Interpol ang hiling ng Pilipinas, awtomatiko nitong ipapakalat sa mga member country ang pagtugis kay Co.
Idineklara naman ng Sandiganbayan noong Martes na “fugitive from justice” si Co, kasama ang tatlong opisyal ng Sunwest Corporation.
Nasa labas ng bansa si Co mula pa nang isiwalat ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang maanomalyang mga proyekto sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo.