Advertisers
HINDI kami kumporme na bigyan ng publisidad ang tatlong itlog ng Camara de Representante. Hindi na namin babanggitin ang kanilang pangalan dahil may dala silang kamalasan sa buhay. Mas pabor ako na kilalanin ang anim na mambabatas na tinaguriang “Young Guns” sa Camara. Itinuturing sila na “workhorse,” o mga nagtatrabaho.
Sila ang Young Guns: Kin. Jude Acidre ng Tingog Party List; Kin. Paolo Ortega V ng La Union; Kin. Rodge Gutierrez ng 1 Rider Party List; Kin. Erix Dionisio ng Manila; Kin. Zia Adiong ng Lanao del Sur; at Kin. Jeff Khonghun ng Zambales.
Noong Huwebes, sinuportahan ng anim na kongresista ang panukala na isapubliko ang proseso ng Bicameral Conference Committee na babalangkas sa magkasalungat na bersyon ng panukalang national budget para sa 2026. Itinulak ng anim na mambabatas ang resolusyon na isailalim sa livestreaming ang pag-uusap ng delegasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso upang pandayin ang pinal na bersyon ng national budget sa 2026.
Aprubado ang adbokasiya ng anim na mambabatas. Sa kauna-unahang pagkakataon, ipupubliko sa pamamagitan ng livestreaming ang buong proseso ng Bicameral Conference Committee upang gawin ang huling bersyon ng panukalang batas sa national budget sa 2026.
Naisip na solusyon ang livestream ng pulong ng Conference Committee dahil sa masamang karanasan sa nakaraan. Noong 2024, ipilit ni Tricky Tsis at mga kasapakat na senador ang pagsisingit ng daan daang milyong piso na pondo para sa flood control. Hindi naisakatuparan ang batas. Dinambong umano ni Tricky Tsis at kaalyadong senador tulad ni Jinggoy Estrada, Joel Villanueva ang salapi ng bayan.
Si Tricky Tsis ang hepe ng Senate President noong nangyari ang flood control scandal. Tinanggal siya ng mga kasamahang senador sa isang balasahang nangyari noong Oktubre. Si Tito Sotto ang pumalit sa kanya.
Malaki rin ang papel na ginampanan ng Young Guns nang nagdaos ng 15 public hearing sa huling limang buwan ng 2024 ang Quadrilateral Committee, o QuadCom na binubuo ng mga komite sa illegal drugs, public order and safety, human rights, at public accounts sa Camara. Kinilala ang anim na mambabatas sa kanilang pakikilahok sa seryosong talakayan ng mga pangunahing usapin ng bayan sa QuadCom.
Kinilala sina Acidre, Khonghun, Dionisio, Ortega, Gutierrez, at Adiong sa talim at bagsik ng mga tanong sa mga saksi at iba pang dumalo sa mga public hearing ng QuadCom. Habang abala ang Camara, natulog ng mahimbing ang Senado. Wala itong ginawa sa halos kabuuan ng 2024. Palpak ang liderato ni tricky Tsis noong panahon na iyon.
***
HINDI lang sa kanilang partisipasyon sa QuadCom nakilala ang Young Guns. Tinangkilik nila ang ilang mahahalagang adbokasiya. Masigasig si Acidre sa pagtataguyod ng mga panukala upang paunlarin ang higher education sa bansa. Ito ang edukasyon para sa kolehiyo, post graduate, at iba pa. Kabilang si Acidre sa nagsusulong ng Education Reforms Two, o Edcom 2.
Samantala, totoong tinayuan ni Gutierrez ang mga panukalang pagbabago upang pangalagaan ang mga pasahero sa iba’t ibang uri ng sasakyan sa kalsada. Hindi nalalayo si Khonghun sa pagtatanggol sa karapatan ng bansa sa kanyang Exclusive Economic Zone (EEZ). Malaking bahagi ng kanyang political constituency sa Zambales ay mga mangingisda kaya nangunguna siya pagtataguyod g kanilang karapatan.
Nangunguna si Ortega, Adiong, at Dionisio sa mga pagbabago sa sistema ng national budget at pagtataguyod ng prinsipyo ng transparency, accountability, at good governance sa pamamahala sa salapi ng bayan. Tumatayo sila sa mga mas malalim at pagsisinop na pagbabago sa gobyerno. Ginugugol nila ang kanilang panahon sa pagsusulong ng mga pagbabago sa gobyerno.
***
MGA PILING SALITA: “Ibang klase ang nakawan ngayon sa gobyerno. Laging nasa bilyones. Hindi na milyon-milyon lang. Mahihiya si Batman.” – PL, netizen, kritiko
“This is my rejoinder to the comment of a great friend on my earlier post: ‘The point is that the Dutertes should not be our destiny… It happened to the Germans with Hitler… When Nazi Germany was losing in the last world war, a noted German said that they should accept the eventual loss of Germany because Hitler was its destiny… It’s not too late. It seems Misfit Sara is seeing the ultimate end for her and her clan. The overall objective is Duterte Free Philippines 2025. The PHL should be free of their yoke by 2025.’” – PL, netizen, kritiko