Advertisers

Advertisers

‘DUTERTE FREE PHILIPPINES 2025’

0 2,003

Advertisers

UNA kong binigkas ang mga katagang ito sa huling tsapter ng aking pangalawang aklat, “BUMPS Fifty Years of Dictatorship and Democracy in the Philippines (1972-2022).” Tinapos ko ang aklat noong Enero ng taong ito, agad na iniakda, at inilunsad noong Marso 1. Aking hinulaan na uubusin ang mga Duterte sa pambansang pulitika sa taong ito upang hindi makaporma ang sinuman sa kanila sa 2028.

Muli kong binanggit ang mga salitang iyan sa huling tsapter ng aking pangatlong aklat, “KILL KILL KILL Extrajudicial Killings in the Philippines; Crimes Against Humanity v. Rodrigo Duterte At. Al. Revised and Updated Edition.” Hinulaan ko na uubusin ang pamilyang iyan at tagasuporta mula sa Davao City sa taong ito. Hindi makatakbo sa sinuman sa kanila sa panguluhan sa 2028. Nakakulong si Gongdi at nahaharap sa impeachment trial sa Senado ang anak na si Misfit Sara. May bagong sakdal ng plunder sa kanya.

Mapangahas ang aking hula dahil namamayagpag pa ang mga Duterte nang aking isulat ang “Duterte Free Philippines 2025” noong Enero. Hindi ito masyadong pinansin. Pero tanggap ko ito kasi wala sa panahon ang aking nakita. Maingay si Gongdi at mas maingay ang abusadang si Misfit Sara. Sa wari nila, kanila ang Filipinas. Nagawa nila at nakamit ang bawat nais. Sa kanila, weakling si BBM, o kakaning itik.

Tanging ang ganap na paglupig sa mga Duterte ang paraan upang mapanatiling matatag ang gobyerno at bansa. Hindi dapat payagan ni BBM ang mga Duterte ang gawin ang kanilang gusto at ugain ang gobyerno kapag hindi sang-ayon si BBM sa kanilang nais. Sa aking tantiya, may poder ni BBM sa pulitika at batas upang ganap na makontra ang mga Duterte.

Isa-isang nagbagsakan ang mga baraha upang patotohanan ang aking hula. Noong ika-11 ng Marso ng taong ito, dinakip si Gongdi ng pinagsamang pangkat ng opisyales Interpol at bansa at inilipad sa punong himpilan ng International Criminal Court (ICC) sa Olandiya. Dahil nakapiit na si Gongdi, tumahimik ang bansa dahil hindi na siya nakapag-ingay.

Pansamantalang nakabawi ang mga Duterte nang muling nanalo sa midterm elections sina Bong Go at Bato dela Rosa bilang senador. Nanguna si Bong Go at pangatlo si Bato, pero hindi nangangahulugan na sila ang bida na maaaring tumakbo sa 2028. Parehong sabit ang dalawa sa sakdal na crimes against humanity kay Gongdi. Kumilos ang mga sakdal laban sa kanila.

Si Bato ang nagpatupad ng war on drugs ni Gongdi at si Bong Go ang nagbigay ng pabuya. Ngayon, nagtatago si Bato dahil may bumabang arrest warrant laban sa kanya mula sa ICC. Nagpahayag ang gobyerno ni BBM na ibibigay siya sa ICC. Pugante sa batas si Bato. Nahaharap si Bong Go sa arrest warrant at sakdal na plunder na iniharap laban sa kanya ni Sonny Trillanes. Kahit ano ang mauna, dakpin siya at makukulong.

Pansamantalang nakabawi si Misfit Sara noong kampihan siya ni Tricky Tsis at hindi itinulak ng huli ang Articles of Impeachment na inilatag ng Camara de Representantes laban kay Misfit. Hindi pinangunahan ni Tricky Tsis ang paglilitis kay Misfit Sara kahit may batayan legal. Dahil sa pagmamalabis ni Tricky Tsis sa poder bilang hepe ng Senado, hindi nilitis si Misfit Sara. Pansamantalang nabulunan ang pagpapatalsik kay Misfit Sara sa poder.

Ngayon, maaaring ituloy ng Senado anumang oras ang nakabinbin na impeachment trial ni Misfit Sara. Tinatayang magaganap ito sa Enero. Hindi kailangan hintayin ng Senado ang desisyon ng Korte Suprema sa mga motion for reconsideration na iniharap sa naunang desisyon na nagdeklarang labag sa Saligang Batas ang paglilitis kay Misfit.

Nalaglag sa poder si Tricky Tsis. Hindi na siya ang Senate President. Pinalitan siya ni Tito Sotto sa isang tahimik na revamp. Nahaharap rin si Tricky Tsis sa bintang na plunder at maaaring makulong bago matapos ang 2025.

Itinapon ni Misfit Sara ang huling dice noong Oktubre nang kanilang planuhin ang sapilitang pag-agaw sa kapangyarihan. Kasama ang ilang pili ngunit retiradong opisyales ng AFP at PNP, naplano nila ang kudeta upang pabagsakin si BBM at ihalili siya bilang pangulo ng bansa. Hindi nagtagumpay ang kanilang plano. Nanatili si BBM sa poder.

Noong Biyernes, iniharap ng mga lider ng ilang civil society organization ang pinasama-samang sakdal ng plunder, bribery, at iba pa si Misfit Sara sa Office of the Ombudsman. Iba na ang Ombudsman. Hindi na si Samuel Martirez na hawak ng mga Duterte. Ibang klase si Boying Remulla at hindi niya bibiruin si Misfit Sara.

Sa ganang amin, magkakatotoo ang Duterte Free Philippines 2025. Mauubos ang mga Duterte sa taong ito upang hindi na sila muling makapamayagpag. Hindi na sila pag-uusapan sa 2026. Hindi na sila muling maghahari sa mga talakayan.

***

MGA PILING SALITA: “All artworks, fiction and non-fiction, are based on reality. In his letter to his friend, Dr. Ferdinand Blumentritt, Dr. Jose Rizal, our national hero, said his two classic novels – Noli Me Tangere and El Filibusterismo – are both based on political and historical realities of his time. Distorting and revising realities to suit a twisted or perverted political agenda does not in any way conform to the essential fact that all artworks must have their political and historical bases.” – PL, netizen, kritiko

“The point is that the Dutertes should not be our destiny… It happened to the Germans with Hitler… When Nazi Germany was losing in the last world war, a noted German said that they should accept the eventual loss of Germany because Hitler was its destiny… It’s not too late. It seems Misfit Sara is seeing the ultimate end for her and her clan. The overall objective is Duterte Free Philippines 2025. The PHL should be free of their yoke by 2025.” – PL, netizen, kritiko