Advertisers

Advertisers

Kylie Padilla at AJ Raval, parehong anak ng action star, na-link kay Aljur Abrenica

0 46

Advertisers

Ni Anne Venancio

KINUWENTO ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang co-parenting setup nila ng dating asawa na si Aljur Abrenica at sa magandang pakikitungo ni AJ Raval sa kanyang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

Ani Kylie, natutuwa siya sa paraan ng pakikitungo ni AJ sa kanyang mga anak, “Super welcoming niya sa mga anak ko. Kasi nga, nanay din siya, ‘di ba? Naririnig ko nga na lagi silang nagyayakapan at naglalambingan. Gusto ko ‘yun kasi the more love my kids can get from people who love them authentically, go!”

Ipinaliwanag din niya ang kanilang co-parenting arrangement ni Aljur, “Ako ang 80%, siya 20 lang. Pero okey naman si Aljur. Kami lang ‘yung nag-fail, pero sa mga bata, solid ang relasyon nila. Ipinararamdam ko sa mga anak ko na Aljur is still their father.”

Inamin din ni Kylie na minsan ay tinanong siya ng panganay kung bakit sila naghiwalay? “May one time, nagtatanong si Alas, ‘Bakit kayo naghiwalay? Does papa not love you?’ Ang liit-liit pa niya noon,” kwento ng aktres.

Nilinaw naman ni Kylie na hindi talaga siya ang unang nag-cheat.

Para sa aktres, mahalaga sa kanya ang maayos na komunikasyon at respeto sa co-parenting setup, at ang pagbibigay ng pagmamahal sa kanyang mga anak nina Aljur at AJ.

Samantala, parehong anak ng action stars sina Kylie (anak ni Robin Padilla) at AJ (anak ni Jeric Raval), na kapwa naging karelasyon ni Aljur.

***

SexBomb Girls aminadong may selosan sa grupo, may rAWnd 3 finale concert sa Philippine Arena sa January!

TAGUMPAY ang SexBomb Girls, isa sa pinaka-iconic girl group sa bansa sa kanilang reunion concert na Get, Get, Aw! The SexBomb Concert sa Araneta Coliseum noong Disyembre 4 at MOA Arena noong Disyembre 9. Sold-out ang tickets at puno ng nostalgia, signature hits at hataw na performance.

Inamin ni Rochelle Pangilinan, leader ng grupo, na hindi naging madali ang kanilang reunion concert lalo’t maraming producers ang tumanggi at konti ang sponsors na sumuporta kaya naman nag-ambagan sila nina Sunshine Garcia, Jopay Paguia, Mia Pangyarihan at Aifha Medina.

“Sabi ko, ‘Tayo-tayo muna ang producer. Magkano lalabas mo?’, tanong ni Rochelle sa mga kasama.

At dahil sa overwhelming demand, napagdesisyunan ng grupo na magkaroon ng finale concert sa Philippine Arena sa Enero 31, 2026.

Samantala, sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ noong Nobyembre 28, ibinahagi nina Aira Bermudez at Aifha Medina na hindi maiwasan na magkaroon ng selosan sa grupo dahil halos 50 members sila noon.

“Meron po, meron po. Hindi po maiiwasan ‘yan sa grupo,” pag-amin ni Aifha.

“Nilalatag po ni Ate Joy ang names at pictures ng mga SexBomb, tapos sila na po ang pumipili,” paliwanag naman ni Aira.

Muling pinatunayan ng SexBomb Girls ang kanilang iconic status at malakas na fan base na karamihan sa mga batang 80s at 90s ay afford ng bumili ng tiket ngayon.