Advertisers

Advertisers

50 pamilya naabo ang bahay sa Tondo

0 10

Advertisers

Umabot ng ikalawang alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog 2:47 ng madaling araw sa kuwarto sa ground floor ng apat na palapag ng bahay sa 1420 CP Garcia, Moriones, Tondo na pag-aari ni Jean Dela Cruz.

Gawa umano sa light material ang bahay kaya agad itong lumaki at kumalat sa ilang katabing mga bahay.



Nasa 11 bahay ang bahagyang nasunog habang 9 naman ang totally burned.

Tinatayang aabot sa kabuuang P300,000 ang pinasala sa sunog na idineklarang fireout 4:23 ng umaga.



Nasa mahigit-kumulang 150 indibidwal o 50 pamilya ang nawalan ng masisilungan nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay.

Wala namang iniulat na nasaktan nasawi sa sunog kung saan mahimbing na natutulog ang mga residente nang mangyari.



Iniimbestigahan pa ng BFP ang sanhi ng sunog. (Jocelyn Domenden)