Advertisers
Ni Anne Venancio
Umiinit ang espekulasyon na hiwalay na sina Rhian Ramos at Sam Verzosa matapos nilang i-unfollow ang isa’t isa sa Instagram noong Disyembre 17.
Napansin ng mga netizens na umano’y may problema ang relasyon ng dalawa, ngunit hindi naman nila binubura ang mga retrato nila na magkasama sa kani-kanilang social media accounts.
Matatandaang inamin nina Sam at Rhian ang kanilang relasyon noong July 2022, at kitang-kita ang full support ng aktres sa kampanya ni Sam sa nakaraang eleksyon sa Maynila bilang mayor.
Una nang nagsalita si Sam sa mga nakaraang panayam ng PEP.PH na para sa kanya, “Maraming nangyayari, at sabi ko nga, kung saan tayo dalhin ng tadhana, kung saan tayo dalhin ng Diyos—kung para sa atin, para sa atin ’yan. May better plans Siya for you, so I believe in the plans of God, at iyon lang ang inaantay natin.”
***
ABS-CBN sa ALLTV ni Manny Villar naman nakipag-partner
Simula Enero 2, 2026, mapapanood na ang ilang programa ng ABS-CBN, kabilang ang FPJ’s Batang Quiapo, What Lies Beneath, ASAP, It’s Showtime, at TV Patrol, sa ALLTV ng Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS), na pagmamay-ari ng negosyanteng si Manny Villar.
Patuloy naman na mapapanood sa GMA Network ang It’s Showtime at Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.
Ang bagong kasunduan ay kasunod ng desisyon ng TV5 na tapusin ang limang taon content partnership nito sa ABS-CBN, na epektibo rin simula Enero 2, 2026. Nilinaw naman ng ABS-CBN na naayos na ang lahat ng obligasyon nito sa TV5 at MediaQuest kaugnay ng naturang kasunduan.
Giit pa ng ABS-CBN, magpapatuloy ang kanilang layunin na maghatid ng makabuluhang balita at dekalidad na mga programa para sa mga pamilyang Pilipino.