Advertisers
Ni Beth Gelena
Iniintriga ang pag-attend ng dating aktor na si Onemig Bondoc nang um-attend siya sa 50th birthday ni Aiko Melendez kaya blooming daw ngayon ang aktres-politiko.
Ayon sa mga netizens, “She’s blooming and doesn’t look like she’s 50 at all”
“Meant to be sila”
“gwspo pa rin c idol onemig at perfect match sila”
Sey naman sa isang commenter na tila may alam sa dalawang celebrity, “Meron bang to be continued ang naudlot na feelings noon?
Onemig Bondoc aka Mr.eggnog”
“Tapus sila pala talaga nkatadhana”
Sabi naman ng isa, “db my asawa si onemig?”
May sumagot, “matagal ng hiwalay”
“Mas bagay kesa dun sa congressman”
“Jusko idol ko to teenager pa lng. Wish ko lng mkahanap ka ng partner mo for lifetime ms. Aiko and i wish c onemig bondoc n yan”
“Ok approved bagay na bagay silang dalawa kahit may mga edad na”
Si Aiko ay may dalawa ng anak at isa naman ang anak ni Onemig sa kanyang ex wife.
***
VICE GANDA MAY PLANO MAGKAANAK
SA PAMAMAGITAN NG SURROGACY
Gusto umano ni Vice Ganda na magkaroon ng anak kaya nagpaplano sila ni Ion Perez ng surrogacy.
Pinag -iisipan ni Vice na sa pamamagitan ng surrogacy para siya ay magkaroon ng sariling anak ngunit nag-aalala naman siya tungkol sa pansamantalang pagpahinga sa pagho-host ng It’s Showtime kapag tinuloy niya ang plano.
Nagpayo raw kasi ang isang doktor na kapag nangyari ang kanilang plano ay tatlong buwan siyang magpapahinga , na sa tingin ni Vice ay kaya naman sa pisikal ngunit mahirap dahil sa kawalan ng palabas.
Nabanggit ni Vice ang bagay na ito nang nakapanayam siya ni Karen Davila, ang broadcast journalist.
Inihayag rin ito ng komedyante-host na interesado sila ng partner na si Ion na gamitin ang genes ni Vice para sa surrogacy.
“Kung stressed daw ako , hindi healthy ang spêrm. So para makasiguro na maiipunang healthy ‘ yan , kailangan masaya yung utak at relaxed . Kung pagod ang katawan at utak , hindi sure,” esplika niya.
49 years old na ang Unkabogable star, dagdag pa niya kinokonsidera rin daw ang kanyang edad sa kanilang plano.
Pero, ang inaalala niya ay ang advised ng doktor na kinakailangan niyang magpahinga ng tatlong buwan para masigurong healthy ang kanyang katawan.
While Vice does not mind the physical rest required, the bigger concern lies in temporarily stepping away from It’s Showtime.
Aniya, kahit nga raw na nawawala siya ng ilang linggo ay may mga viewers na silang nagrereklamo at hinahanap siya, e papano pa raw kay kung tatlong buwan pa siyang mawawala.
Malakas kasi ang impact ng show kapag laging present si Meme Vice.
Sa ngayon ay pinagiisipang mabuti ni Meme Vice ang plano niyang magkaroon ng sariling anak na galing mula sa sarili niya sperm.
***
MILANO PINABULAANAN HIWALAYAN NI CLAUDINE
Hindi umano totoong hiwalay na sina Claudine Barretto at Milano Sanchez.
Pinabulaanan daw mismong ni Sanchez na hindi sila hiwalay ng Optimum actress at walang katotohanan na sinigawan ni Claudine ang kanyang kasambahay.
Ani Milano sa FB, “Nabalitaan ko na isang vlog ng talk show ang naglathala ng isang video noong Disyembre 13, 2025, na nagtatampok ng mga maling impormasyon tungkol sa aking sambahayan at sa mga taong mahal ko.”
“Nakakalungkot na may isang tao o mga tao na nagkakalat ng mga maling salaysay tungkol sa mga pangyayaring naganap sa sarili kong sambahayan. Nais kong gamitin ang pagkakataong ito upang linawin ang mga isyu/pahayag na ito upang wakasan ang mga pahiwatig na ito na nagdudulot ng pinsala sa reputasyon.”
Paliwanag pa niya, “Noong nakaraang linggo, nagkaroon ng maliit na hindi pagkakasundo ang dalawa kong kasambahay at naging matindi ang sitwasyon. Si Claudine, na naging malapit na sa mga kasambahay ko, ay naroon din noong panahong iyon. Dahil sa pagmamahal at respeto, nilayon ni Claudine na mamagitan at ayusin ang mga hindi pagkakasundo sa pagitan ng dalawang kasambahay. Iyon ang kanyang naging solusyon. Lumabas na parehong nagpasalamat ang dalawang kasambahay sa kanya sa pagtulong sa kanila na malutas ang hindi pagkakasundo.”
Itinanggi rin niyang nag move-in si Claudine sa bahay niya.
“Ngayon, ang isyu tungkol sa paglipat ni Claudine ay lubos na hindi totoo. May taping si Claudine noong araw na iyon at inalok ko siyang sunduin para makapag-usap kami nang matagal. Ang bagahe na iyon ay mga gamit niya mula sa taping na dinala niya sa bahay. Dinala lang niya ito pabalik nang sunduin siya ng driver niya. Muli, hindi na siya lumipat doon,” pagdidiin ng kapatid ni Korina Sanchez.
Pagmamalaki niya sa aktres, napakabait daw nitong tao.
“Ituon natin ang pansin sa kabaitan at pasasalamat ngayong kapaskuhan. Magpakalat tayo ng magagandang emosyon at manatiling mapagpasalamat sa lahat ng biyayang dumarating sa atin. Si Claudine ay isang biyaya.”
O ayan, hindi pa pala hiwalay ang dalawang personalidad.
Sigurado masaya si Clau dahil pinagtanggol siya ni Milano at hindi malamig ang Pasko sa aktres.