Advertisers

Advertisers

HUKOM BA SI OMBUDSMAN REMULLA?

0 2,028

Advertisers

Ang OMBUDSMAN ay isang INDEPENDENT CONSTITUTIONAL BODY na nagsisiyasat at naghahabla ng mga tiwali at kurap na GOVERNMENT OFFICIALS sa SANDIGANBAYAN.., na ang maghahatol pa rin sa mga isasampa nitong kaso laban sa mga tiwali ay ang korte lamang.

Yun nga lang, ang kasalukuyang si OMBUDSMAN CRISPIN REMULLA ay tila isang HUKOM o JUDGE kung umasta ito dahil ang mga GOVERNMENT OFFICIALS na kanilang sinasampahan ng kaso ay ibinabando na nito ang pasyang GUILTY gayong hindi pa naman hinahatulan ng korte tulad sa sitwasyon ng 3 opisyal na sina EXECUTIVE SECRETARY LUCAS BERSAMIN, BUDGET SECRETARY AMENAH PANGANDAMAN at PRESIDENTIAL LEGISLATIVE LIAISON OFFICE UNDERSECRETARY ADRIAN BERSAMIN na idinawit sa video post ng puganteng si FORMER AKO BICOL PARTYLIST ZALDY CO ay ibinibida na ni REMULLA na GUILTY ang mga idinawit na opisyal.., pero teka, hindi ba tagahain lang ng kaso ang OFFICE OF THE OMBUDSMAN? Bakit niya sinabing GUILTY ang mga nagbitiw na opisyales na para bang siya rin ang HUKOM o JUDGE?

Hindi na bago ang istilo ni OMBUDSMAN REMULLA dahil nakilala na siya sa pagiging masalita sa lahat ng usapin sa lipunan na tila ba siya lang ang may angking kakayahan at sa kanyang katabilan ay marami ang kanyang idiniin nang hindi man lang dumaan sa imbestigasyon ng kanyang tanggapan. Tulad sa usapin ng FLOOD CONTROL SCANDAL ay hindi siya nagmimintis sa pagharap sa media.., ika nga palagi siyang bida sa telebisyon, radyo at mga pahayagan.., teka at bigla kong naalala ang kasabihang “ang tubig na matunog ang agos ay mababaw” hehehe ganiyan kaya siya?

Bagamat agad na kumambiyo si REMULLA sa pagkakadawit ni FORMER EXECUTIVE SECRETARY LUCAS BERSAMIN ay pinanindigan ng OMBUDSMAN na “GUILTY” sina PANGANDAMAN  at ang BATANG BERSAMIN na umano’y nagkutsabahan sa P100-BILLION BUDGET INSERTIONS. 

Mga ka-ARYA.., kabisado ni REMULLA ang proseso mula sa pagbalangkas ng NATIONAL BUDGET, deliberasyon sa kongreso at paglagda ng PANGULO,., kasi nga dati siyang CONGRESSMAN at naging SECRETARY pa ng isang departament sa ilalim ng executive branch.

Pero bakit kailangan magsingit ng pondo ang MALACAÑAN habang nagsasagawa ng deliberasyon ang CONGRESS gayung puwede namang isalpak nila yun sa paggawa pa lang ng NATIONAL EXPENDITURE PROGRAM.., ‘di ba?

Ang masaklap ay wala naman palang isinagawang imbestigasyon ang OFFICE OF THE OMBUDSMAN laban kina PANGANDAMAN at ADRIAN BERSAMIN.., na kung meron man ay bakit hanggang ngayon wala man lang siyang mailabas sa media? Lumalabas tuloy ay giniba lang ng kadaldalan ni OMBUDSMAN ang pagkatao ng mga ito.

Saan nga ba humuhugot ng mga buladas si OMBUDSMAN REMULLA? Kung ating babalikan ang nakaraan ay mukhang sumasakay lang si REMULLA sa mga “PASABOG” ng fb video post ni dating CONGRESSMAN ZALDY CO

na nagtatago na sa ibang bansa, gayundin sa kwento ni FORMER USEC. ROBERTO BERNARDO.., gayung etong 2 ang nasa likod ng FLOOD CONTROL SCANDAL at nagtamasa nang bongga sa pondong inilaan para pigilan ang pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa?

 

Komento nga ng kapitbahay kong BARBERO e IWAS-PUSOY daw sina CO at BERNARDO na ang malinaw na motibo ng mga ito sa pagdawit ng ibang personalidad ay upang maisalba ang kanilang mga sarili mula sa mundo ng KURAPSIYON!

 ***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.