Advertisers

Advertisers

Death penalty sa mandarambong

0 16

Advertisers

ISINUSULONG ngayon sa Kamara ang parusang kamatayan laban sa mga public official na mapapatunayang sangkot sa pandarambong.

Oo! Umiinit ang debate sa Kamara matapos ihain ang panukalang batas na magpapataw ng death penalty sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno – mula barangay hanggang presidente ng bansa.

Ang nagsusulong ng parusang brutal ay Zamboanga 1st District Representatuve Khymer Adan Olaso. Inihain niya ang House Bill No. 11211, tinaguriang “Death Penalty for Corruption Act.”

Sa bill na ito, sinasabing haharap sa death penalty sa pamamagitan ng firing squad ang mga opisyal na mapapatunayang ‘guilty’ ng graft, malversation, at plunder sa Sandiganbayan.

Aniya, layon ng panukala na magpadala ng “malinaw at huling babala” sa mga magnanakaw sa kaban ng bayan.

Giit ni Cong. Olaso, panahon na para wakasan ang kultura ng pandarambong sa gobyerno. Mismo!

Kapag naisabatas, ito ang magiging pinakamabigat at pinakamahigpit na anti-corruption law sa kasaysayan ng Pilipinas, panukalang tiyak na yayanig sa pulitika at maghahati sa opinyon ng publiko. Araguy!!!

Ang tanong: Papasa kaya kahit sa round 1 ng debate ang panukalang ito? Tingin ko hindi. Pero ang siguradong papabor dito ay yaong talagang may malinis na konsensiya sa pagseserbisyo sa publiko.

Eh sa lagay ng Kongreso ngayon, halos 90 porsiyento ay malikot ang utak sa kuwarta, utak tulisan, komisyoner ng mga proyekto na nauuwi sa multo (ghost0 dahil sa laki ng kickback ng mga animal!. Peksman!

Hindi nga ba’t ibinunyag ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo at DPWH-Bulacan district engineers na hanggang 30 porsiento ang hinihinging kickback ng mga politiko na nagbababa ng proyekto sa DPWH.

Partikular na pinangalanan ni Bernardo sina Senador Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, Chiz Escudero, dating senador Nancy Binay, Bong Revilla, mga kongresista sa pamumuno ng noo’y tandem nina ex-House Speaker Martin Romualdez ay Zaldy Co ng Ako-Bicol partylist na dating tserman ng Committee on Appropriations.

Ang naturang mga engineer ay sinibak na sa puwesto, habang todo-kapit parin sa puwesto ang mga tulisang senador at kongresista. Ang kakapal ng mukha ng mga animal!!!

Kaya suntok sa buwan o dadaan sa butas ng karayom ang panulang death penalty na ito ni Rep. Olaso. Siguradong ididribol lang ito ng mga mambabatas. Pramis!

***

Matindi ang ginawa ng Amerika sa Venezuelan President.

Mantakin n’yo habang pinapaulanan ng bomba ang military headquarters ng Venezuela ay dinukot ang kanilang lider kasama ang misis nito. Ginawa ito sa loob ng 24 oras. Lupet!

Ang rason ni US President Donald Trump ay nagpapapasok ng iligal na droga ang Venezuela sa Amerika, at maraming Venezuelan ang naghihirap sa klase ng pamamahala ng kanilang pangulo.

Sa ginawang ito ni Trump, mag-iisip na ang China at Russia at iba pang bansa na nagbabalak bumangga sa Estados Unidos.