Advertisers

Advertisers

BAKLASIN SINDIKATONG DABAW

0 36

Advertisers

SA pagsisimula ng 2026, seryosong inumpisahan ng administrasyon ni BBM ang pagbaklas sa sindikatong Dabaw na nagpipilit na ibagsak siya upang ipalit si Sara Duterte. Sinampulan noong Lunes si Maj. Gen. Romeo Poquiz, isang retiradong opisyal ng PAF at pinuno umano ng isang grupo na tahasang nagtataguyod ng galawang ibagsak ang gobyerno ni BBM.

Dinakip siya ng mga awtoridad sa NAIA nang bumalik siya mula sa Thailand, pinosasan, at dinala sa estasyon ng pulis upang isailalim sa proseso ng batas. Nagpiyansa si Poquiz para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Noong Lunes, pumunta sa DoJ si Joel Villanueva at Bong Revilla upang isumite ang kanilang sagot hinggil sa mga paratang na tumanggap ang dalawang mambabatas ng daang milyong piso bilang kanilang bahagi sa flood control scandal. Bahagi ito ng proseso upang malaman ng ganap ang kanilang pagkakasangkot sa iskandalo.

Sa madali, hindi lusot si Joel at Bong sa anumang sakdal kaugnay sa mga isinawalat na bintang sa kanila kapag sumulong ang imbestigasyon. Hindi malayo na makulong sila habang dinidinig ang sakdal na pandarambong na ihahain ng gobyerno laban sa kanila.

Hindi malinaw kung sino ang mga susunod sapagkat wala pang pahayag ang DoJ. Noong Lunes lang nag-umpisa ang trabaho sa pamahalaan. Ngunit hindi kami magtataka kung sumunod ang iba pang pinaghihinalaan na sangkot sa iskandalo. Hindi namin batid kung basta na lang dadakpin si Chiz Escudero at Jinggoy Estrada at ikukulong.

Ang alam namin ay sumusulong ang inisyatiba ng administrasyong BBM na itabla ang mga kalaban. Bagaman hindi natuloy ang ipinangakong may mga makukulong na matabang isda bago ang Pasko, hindi nangangahulugan na wala na pagkilos.

Gumugulong sa kasalukuyan ang ipinangakong inisyatiba. May pakiramdam kami na may mangyayari ngayong buwan. Kailangan tuparin ang pangako upang matunaw ang diskontento sa kanyang gobyerno na naging sanhi upang bumagsak ang kanyang popularidad.
***
MAY nasagap kaming balita a maaaring magkaroon ng balasahan sa kanyang Gabinet bunga ng pagbaksak ng kanyang popularidad. Tinitingnan mabuti kung sino sa mga kasapi ng kanyang Gabinete ang kanilangan palitan. Sinusuri ang performance ng mga kagawaran sa Edukasyon, Kalusugan (Health), Tourism, Information and Communications Technology. Kasama rin ang DPWH, NEDA, at kahit ang Bureau of Customs.

Hindi kami magtaka kung palitan ang kalihim ng Dept. of Health na si Ted Herbosa at Tourism na si Christina Frasco. May mga isyu silang hinaharap tungkol sa performance. Mabisang paraan upang mapawi ang pangamba sa performance ng administrasyon ni BBM.

Hindi namin alam kung sino ang papalitan at kung sino ang mga ipapalit. Isa ito sa mga barahang itinatago ni BBM. May batayan na gagawin niya ito kundi ngayong buwan o sa susunod. Maraming dapat ayusin sa kanyang gobyerno.

***

MAY netizen na nangangalang Thea Tan ang nag-post ng kanyang obserbasyon tungkol kay Mark Leviste, ang kontrabesyal na anak ng senador tungkol sa negosyo ng huli na pumalpak. Pakibasa ang summary ng kanyang obserbasyon:

Leandro Leviste is often called a “green pioneer,” but his path to becoming a billionaire wasn’t through selling cheap electricity.

Instead, it looks more like a masterclass in using government connections to get rich.

In 2019, President Duterte signed RA 11357, a law proposed by politicians such as Rep. Arthur Yap and Sen. Grace Poe.

This law became the “Golden Ticket” that gave Leviste’s company (Solar Philippines) powers usually reserved for the government, including the right to take over private land (eminent domain).

The strategy was simple:
1. Use the unique nationwide franchise to make the company look incredibly valuable on paper.
2. Sign dozens of government contracts to build solar farms, even if they didn’t have the capacity to finish them.
3. Before the public realized the power wasn’t coming, Leviste sold his company to Meralco for over P34 billion.

By 2025, the Department of Energy had to cancel 84 of those solar contracts because the work was never done.

Leviste walked away a billionaire, but the promised electricity never reached the people.

***

Email:bootsfra@gmail.com