Advertisers

Advertisers

ROBI AT JOHN LLOYD MUNTIK MAGSUNTUKAN?

0 29

Advertisers

Ni Rommel Placente

HOW true na muntik na umanong magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd Cruz sa reception ng kasal nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde noong Disyembre 23?

Ito ang kwento ni Ogie Diaz sa kanilang vlog.

Ayon kay Ogie, isa raw si Robi Domingo sa mga host sa reception. Habang nagho-host daw itong si Robi, ay nasambit niya kay Ria na, ‘how does it feel to be Mrs. Marudo?’ and si Zanjoe naman, ‘how does it feel to be Mr. Atayde?’

At dahil magkakaibigan sila, tawanan at wala namang napikon kina Zanjoe at si Ria.

Nung bumaba na raw sa entablado si Robi biglang lumapit si John Lloyd Cruz, na isa rin sa mga bisita sa kanya. At nag-dialogue raw ito kay Robi ng ‘mali

‘Yung sinabi mo, in-appropriate ‘yung sinabi mo. Okay ba ‘yung sinabi mo na tawagin mong Mr. Atayde si Zanjoe?

Ang sagot daw ni Robi kay John Lloyd, ay ‘may isyu ba tayo?’

Sumagot naman daw si Lloydie ng “Bakit ano gusto mo mangyari? Malakas daw ang pagkakasabi nun ni John Lloyd na nakaagaw ng atensiyon ng ibang mga bisita kabilang na si Gary Valenciano, Enchong Dee, Elija Canlas, Donny Pangilinana at iba pa.

At dahil kaibigan ni Donny si Robie, to the rescue siya sa TV host. Lumapit siya sa dalawa. Siyempre nakaalalay lang din naman ‘daw si Donny para kung anuman ang mangyari ay puwede siyang umawat.

Kaso ay nasigawan daw ni John Lloyd si Donny, ng something like, ‘wag kang makialam dito ha!’

Naawat din naman daw ang dalawa sa mangyayari sanang suntukan, dahil napaki-usapan sila na moment nina Zanjoe at Ria ang araw na ‘yun.

Sinasabing nalasing daw si John Lloyd kaya ganoon daw ang naging asal nito sa reception ng kasal nina Zanjoe at Ria.