Advertisers

Advertisers

No. 3 Wanted sa Rehiyon 2, timbog sa Isabela

0 17

Advertisers

Naaresto ng pulisya ang Number 3 Regional Most Wanted Person (RMWP) na sangkot sa kasong Murder sa isang operasyon na isinagawa bandang umaga kahapon, Enero 6, 2026, sa Barangay Disulap, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Otis”, 41, magsasaka at residente ng nasabing barangay. Inaresto siya ng pinagsanib na pwersa ng San Mariano Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang Provincial Intelligence Unit–Isabela Police Provincial Office (PIU-IPPO).

Ipinatupad ng mga operatiba ang Warrant of Arrest na inilabas ng RTC Branch 18, Ilagan City na walang inirekomendang piyansa. Si alyas Otis ay nasa kustodiya ngayon ng San Mariano MPS para sa dokumentasyon at nakatakdang i-turn over sa korte na naglabas ng warrant.



Binigyang-diin ng PRO2 na ang operasyon ay isinagawa bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng PNP laban sa mga wanted persons, alinsunod sa Focused Agenda ng Chief PNP sa Enhanced Managing Police Operations (EMPO).(Fidel A. Coloma)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">