Advertisers
HANDA nang sumargo ang buwenamanong pasabog sa larangan ng billiards na J&P 10 Ball Cup 2026, isang paligsahan sa pool para sa mga amateur, ito ay gaganapin sa darating na Pebrero 4, 5, 6, at 7 sa pinakabago, kahanga-hanga at state- of- the- art pool hall na Pacman’s Cue Club, matatagpuan sa Lower Ground Floor, World Wide Corporate Center, Shaw Boulevard (panulukan ng EDSA) sa Lungsod ng Mandaluyong.
Bukod sa pagtanggap ng pangunahing premyong P50,000, ang kampeon ay sasakay ng eroplano patungong Japan para sumali sa Japan Open 2026 — isang biyahe na lahat ng gastos ay binabayaran, na isina-sponsor ng Navigator Japan.
Ang ikalawang puwesto ay makakakuha ng P30,000, ang ika-3 at ika-4 na puwesto ay makakakuha ng P20,000 bawat isa habang ang ika-5 hanggang ika-8 na puwesto ay makakakuha ng P10,000 bawat isa, kung saan ang ika-9 hanggang ika-16 na puwesto ay makakauwi ng P5,000 bawat isa.
Para sa pagpaparehistro, mangyaring tumawag sa (09192603518) o makipagkita personal sa tournament director na si G. Allan Soliman para suriin ang antas ng paglalaro mo.
Ang apat na araw na kaganapan ay nag-aalok ng kabuuang premyong P200,000, gamit ang double elimination format, at isinasagawa sa kooperasyon ng Puyat Sports, Pacman’s Cue Club, Navigator Japan, Steel Blue, Seijo, MAPPA, Sunville Trading Inc., Goldmade, MLA Trading, at ang sportsman na si Marlon Manalo, isang sertipikadong International Billiards and Snooker Champion.
Mga ka-sargo palista na. karangalan na may premyong salapi pa! Pugay Kap Manalo at PACMAN..
ABANGAN!!!