Advertisers

Advertisers

‘ONE-CHINA’ POLICY NG FILIPINAS

0 23

Advertisers

IBA ang interpretasyon ng Filipinas sa “one-China” policy ng Tsina. Hindi ito nalalayo sa paninindigan ng Estados Unidos. Kinilala ng Fiipinas na isa lang ang Tsina at batay ito sa 1975 communique na nilagdaan ni Zhoul Enla ng China at Henry Kissinger ng Estados Unidos.

Kinikilala ng Filipinas na ang People’s Republic of China na kinakatawan ng Beijing. Pero hindi ng Filipinas ang Taiwan bilang isang “lalawigan” ng Tsina, ayon kay Prof. Renato dela Cruz ng De La Salle University sa pagharap niya Saturday News Forum sa Dapo sa Quezon City.

Ikinatwiran ni de Castro bagaman kinikilala ng bansa ang Tsina bilang kinatawan ng mga Intsik, hindi kinilala ng Filipinas ang Taiwan bilang kinatawan ng Tsina. Hindi rin nito kinikilala ang Taiwan bilang lalawigan, aniya. Samakatuwid, walang batayan ang plano ng Tsina na sakupin ang Taiwan sa 2027 dahil hindi naging lalawigan ng Tsina ang Taiwan kahit isang araw.

Hindi nalalayo ang interpretasyon ng Filipinas sa interpretasyon ng Estados Unidos, ani de Castro. Hindi diretsong tinawag na isang “bansa” ang Tsina pero ipinaliwanag ni de Castro na sumulong ang Taiwan upang magkaroon ng sariling pagkikilanlan (identity).

“Mayroon Taiwanese identity ang Taiwan,” ani de Castro. Hindi papayag ang Taiwan na sakupin at sapilitang gawing lalawigan ng Tsina ang Taiwan. Sinusuportahan ng Estados Unidos ang paninindigan ng Taiwan.

Naniniwala ang Taiwan na hindi sila nasakop kailanman ng Tsina, ani de Castro. May batayan ito sa kasaysayan ng Tsina, aniya. “Tinatanggap natin ang Tsina bilang ang tanging bansa ng mga Intsik pero hindi natin tinatanggap na lalalwigan ng Tsina ang Taiwan,” aniya.

Bagaman itinuturing ng mga Intsik ang mga Taiwanese bilang Intsik, hindi tinitingnan ng mga Taiwanese na Intsik sila. “Teka, Taiwanese kami at hindi Intsik. Ito ang kanilang katwiran,” aniya. Naunang ipinahayag ni Xi Jinping ang plano ng Beijing na sapilitang sakupin ang Taiwan sa 2027.

Nagkaroon ng matinding tensyon sa rehiyon ng Silangang Asya nag nagdaos ito ng malaking military drill sa Taiwan Straits malapit sa Taiwan noong ika-30 at 31 ng Disyembre. Dumagdag pa ang statement ng Japan na nagpahayag ng matinding pagkabahala sa ginawa ng China, ani de Castro. Hinaharap ng Taiwan ang paghahanda ng Tsina na sakupin sila sa 2027. Namimili sila ng mga kasangkapang pandigma mula sa Estados Unidos.

Nababahala ang Filipinas sa gawi ng Tsina dahil mayroon mahigit 200,000 Filipino sa Taiwan na nagtratrabaho sa kanilang mga pagawaan. Hindi madaling ilikas ang mga Filipino sa sandaling sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Tsina at Taiwan, ani de Castro.

Sa ganang amin, isang bansa ang Taiwan at totoong hiwalay ito sa Tsina. Pinakamaganda na ideklara ng Taiwan ang sarili bilang isang bansa na hindi sakop na Tsina. Ang isyu lang ay kung kailan ipapahayag ang deklarasyon na ito. Pinakamaganda na gawin ang deklarasyon habang hindi pa kumikilos ang Beijing upang sakupin sila.

Malaki na ang ipinagkaiba ng mundo at totoong sumulong ang Taiwan bilang isang malayang bansa. Patibay ang naglipanang economic and cultural office ng Taiwan sa mahigit 120 bansa sa buong bansa. Nagsisilbi ang mga ito bilang pasuguan, o embahada ng Taiwan.

Totoong hindi nasakop ng Tsina ang Taiwan kahit isang araw at totoong walang batayan ang ipinangangalandakan ng Tsina na lalawigan nila ang Taiwan. Hindi ito nangyayari kahit minsan sa makabagong panahon. Pinakamaiging tingnan ang kasaysayan.
***
INABANDONA ni Bato dela Rosa ang kanyang poder bilang senador. Hindi na nagpakita o nagbigay ng anumang pahayag si Bato hinggil sa kanyang pagliban sa kanyang gawain bilang mambabatas. Walang katwiran ang Senado na hindi patalsikin si Bato.

Sa maikli, pinakamaganda na ideklarang bakante ang kanyang upuan bilang senador. Ituring si Bato na hindi na kasapi ng Senado. Tinakbuhan niya ang kanyang posisyon. Kung anuman ang dahilan ng kanyang pagliban, walang katwiran na tumakbo at magtago. Ganyan kasimple.

***

Email:bootsfra@gmail.com