Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Napanood na si Coco Martin sa AllTV na network na pag-aari ng mga Villar.
Ito ay pagkatapos na i-terminate ni Manny Pangilinan ng TV5 ang content partnership sa Kapamilya network sa airing ng nasabing show ni Coco noong Enero 2, 2026.
Recently naman, naglabas na ang Kapatid network ng mga programang dapat abangan sa kanilang istasyon sa susunod na taon.
Siyempre, dahil nabakante ang slot ni Coco, kailangang paigitingin ng Singko ang kanilang programming.
Kasama sa mga naka-line up na pasabog ay ang mga programa ng mag-amang Piolo at Inigo Pascual sa TV5.
Si Inigo ay magbibida sa Pinoy adaptation ng isang well-loved Kdrama tungkol sa mga doktor.
Si Piolo naman ay aariba sa TV series na inspired ng filmfest entry nitong “The Kingdom” na pinagsamahan nila noon ni Vic Sotto.
Nagkaroon na rin ito ng storycon na dinaluhan mismo ni Papa P at ng ilan pang cast members tulad nina Cristine Reyes, Derek Ramsay, Sue Ramirez at Ryza Cenon.
Ito naman ang reaksyon ng kibitzers sa nasabing pangyayari nang mapag-usapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.
“Exciting na labanan ito.”
“Si Piolo itatapat kay Coco.”
“Coco vs. Piolo, matira ang matibay.”
“Iyong TV series ni Piolo, looks interesting.”
“Sana ma-sustain din ni Piolo ang interes ng viewers like the film version.”
“Ito na iyong resulta ng partnership ni Piolo with TV5.”
“Hindi kaya pakainin ni Coco ng alikabok si Piolo.”
“May tulog si Coco kasi iyong show ni Piolo has something fresh to offer.”