Advertisers

Advertisers

MARIAN PINARUNGGITAN SI JANNO

0 23

Advertisers

Ni Beth Gelena

Hate na hate ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera hate ang mga artistang nakakatrabaho na laging late, hindi lang sa kanyang proyekto maging sa ibang mga professional na nagtatrabaho.

Alam na raw lahat ng mga artistang nakatrabaho na niya na ang pinakaayaw daw nito sa lahat ay ang ugali ng isang tao na hindi dumadating sa takdang oras na pinag-usapan.

Aniya, “Alam ng lahat ng katrabaho ko kung ano ‘yong ayaw ko talaga. Parang kaya kong mag-adjust kung hindi mo kayang magbigay, gusto mo lagi kang bida, that’s fine with me.

“Hindi mo alam ‘yung lines mo, okay lang sa akin ‘yun. Bahala ka. Basta ginagawa mo ‘yung work mo, gagawin ko ‘yung work ko.”

Ang lahat ng kanyang sinabi ay okey daw sa kanya.

“That’s fine with me. Isa lang ang ayaw kong ginagawa, always late,” pahayag ni Marian sa Janno & Bing YouTube vlog ng mag-asawang Janno Gibbs at Bing Loyzaga.

Naaawa raw kasi siya sa mga crew at staff na maagang dumarating sa set para magtrabaho at sila rin ang huling umuuwi pagkatapos ng shooting o taping.

Natawa si Janno sa sinabi ng Kapuso aktres dahil kilala ang singer-actor na palaging nale-late sa set.

Pakli tuloy ni Marian, “Buti na lang talaga hindi pa tayo nagkakatrabaho.”

***

Muling magbabalik si Bela Padilla sa telebisyon

Kinumpirma niya ito kamakailan na may gagawin siyang aksyonserye sa ABS-CBN na pangungunahan nina Gerald Anderson at Richard Gutierrez.

Ito ang unang proyekto na gagawin ng aktres-direktor simula noong 2019.

Dahil aksyon ang proyekto, nagsimula na siya ng pisikal na pagsasanay, kabilang ang Muay Thai at stunt work.

Aniya, “Opisyal na akong makakasama nina Richard at Gerald sa kanilang bagong palabas!”

Bagama’t sandali siyang lumabas sa “Pamilya Sagrado” noong nakaraang taon, opisyal na siyang bumabalik sa full-time na pagtatrabaho.

Inihayag ng aktres na una siyang binigyan ng dalawang posibleng storyline bago siya pumasok sa proyekto.

“Iba talaga ang unang kuwento. At gustong-gusto ko ito,” aniya.

“Ah sige, ito ay isang bagay na hindi ko pa nagagawa dati!” dagdag niya, na tinutukoy ang pangalawang konsepto. Inilarawan ng aktres ang papel bilang isang malaking pagkakaiba mula sa kanyang mga nakaraang trabaho. “Sobrang bago para sa akin, bagong-bago ang character,” wika niya

“Bagong genre din, first time kong mag action-drama.”

Sa kabila ng kaba sa pagbabalik sa taping, sinabi niyang buo ang kanyang dedikasyon sa aksyon serye na gagawin.

“Hindi ko nga alam kung marunong pa ba ako mag-taping?” sabi niya.

Binigyang-diin ni Padilla ang kaniyang kahandaan para sa proyekto sa iba’t ibang antas. “Sa mental, oo! Handa na ako,” sabi niya. “Sa pisikal na aspeto, nagsasanay ako para sa palabas,” dagdag niya.

Ibinahagi niya na ipinagpatuloy niya ang pagsasanay sa Muay Thai at nag-aaral ng mga stunt sa ilalim ni Erwin Tagle upang maghanda para sa mga eksenang nangangailangan ng pisikal na pagsasanay.

Hinggil sa kanyang kalusugan, sinabi niyang okey na siya at disiplinado niya ang sarili kumpara sa mga nakaraang taon.

“Pakiramdam ko ay mas malusog at mas malakas ako ngayon kaysa noong edad 20 ko,” aniya.

“Hindi ko kasi inalagaan ang sarili ko noon.”

May gagawin din theatrical sked si with Carlo Aquino na ire-release sa Marso.

Komento ng netizens sa bagong project na gagawin ni Bela.

“Masyadong overkill yung teaser akala mo naman bankable a-lister si BP. Hahahaha”

May hula naman ang iba, “Mali yung hula ng iba kala si Erich”

Pero may nagtsika na masasama naman daw ang aktres na si Erich Gonzales kung saan magkapatid daw ang role nito at ni Bela.

How true naman kaya ang tsikang ito?

***

DIEGO NAGPALIWANAG SA REAKSYON NG NETIZENS NG MAG-I LOVE YOU SA IG POST NI COLEEN

Marami ang nagulat na netizens nang magkomento si Diego Loyzaga ng “I love you” sa Instagram post ni Coleen Garcia.

Sa nasabing post ay ibinahagi ni Coleen ang isang family photo kasama ang asawang si Billy Crawford at ang dalawa nilang anak habang ang pamilya ay nasa yate.

Sinulatan ito ni Coleen, “This made Amari fall in love with sunsets. Core memory unlocked.”

Sa direktang komento ni Diego, umani ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa netizens. May ilan na nagbiro at nagtanong kung para kanino ang “I love you,” habang ang iba naman ay nagbigay ng malisyosong interpretasyon.

Agad naman itong sinagot ng aktor.

Nilinaw niya na ang kanyang mensahe ay maaaring para kay Coleen, kay Billy, kay Amari, o sa buong pamilya. Pinuna rin niya ang maling pag-iisip ng ilang netizens at iginiit na wala itong dapat ikagulo.

Hayan, siguro naman kuntento na ang mga Maritess sa explanation ni Diego.

Marumi lang ang pag-iisip ng mga nakabasa sa tinuran ng aktor.

Wala siyang balak na guluhin ang tahimik na pamilya nina Coleen at Billy dahil maayos na rin naman ang kanyang buhay bilang single dad sa anak niyang babae.

Sina Diego at Coleen ay nagkasama sa pelikulang Isang Gabi na idinirek ni Marc Alejandre.