Advertisers

Advertisers

KC BUMILI NG LUPAIN SA PALAWAN

0 19

Advertisers

Ni Beth Gelena

Proud si KC Concepcion sa nabili niyang lupain sa San Vicente Palawan na my magandang view at tanaw ang karagatan.

Para sa Mega daughter mas mahalaga raw ang pangmatagalang pamumuhunan kaysa sa pansamantalang luho.

Sa halip na gastusin ang pera sa mga designer bags, pinili niyang ilaan ito sa kanyang dream property sa San Vicente, Palawan isang hakbang na nagpapakita ng disiplina, delayed gratification, at tuluy-tuloy na pag-unlad.

Maingat at malinaw ang planong ginawa tungkol sa pag-invest sa real estate kaysa sa mga panandaliang luho sa buhay para sa pangmatagalang seguridad sa pananalapi.

Ayon sa netizens: “malayo un sa bayan ng palawan..pro maganda talagang investment ang lupa”

“another investment of KC.”

“Worth it Ang pag hike kpg gneto kganda Ang view”

“oo nga nman kysa ibili ng mga designer bags,eh sa ipundar n lng ng lupa at properties…mana pa ng gold n alahas atleast yun pag wala k na pera maibebenta muh pah…”

Pagdating talaga sa pag-invest hindi matatawaran ang kakayahan ni KC bilang entrepreneur.

Marunong siyang humawak ng pera at alam niya kung saan gagastusin ang perang pinaghirapan.