Advertisers
I
Ibinida ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang rekord ng kanyang administrasyon sa larangan ng sustainable development sa isang forum nitong Huwebes, Abril 30. Kabilang dito ang pinalakas na serbisyong pangkalusugan, pinalawak na edukasyon, libo-libong bagong trabaho, at kauna-unahang Summer Pride Parade ng lungsod bilang patunay ng inklusibong pag-unlad sa Maynila.
Sa ginanap na Manila Bulletin Sustainability Forum sa University of Santo Tomas (UST), iginiit ni Domagoso na ang 17 Sustainable Development Goals ng United Nations na nagiging makabuluhan lamang kung isinasagawa ito ng mga lokal na pamahalaan.
“Kasing halaga lamang ang mga layuning ng mga lokal na pamahalaang handang magsagawa nito,” aniya. “Hindi ito kusa na maipapatupad. Hindi ito kusa na popondohan. May dapat gumawa ng aktwal na trabaho. Sa Maynila, ginagawa namin ang trabaho.”
Kalusugan
Binanggit ng alkalde ang pagbubukas ng ikapitong district hospital sa Baseco, isang lugar na matagal nang kulang sa serbisyo at ang paglalagay ng cardiac catheterization laboratory sa Ospital ng Maynila, kung saan ang prosedurang nagkakahalaga ng hanggang P300,000 sa pribadong ospital, nagiging libre na. Umabot na rin sa mahigit P500 milyon ang pondo para sa gamot at kagamitan sa ospital ng lungsod.
Edukasyon
Ayon kay Domagoso, nagtayo ang lungsod ng mga bagong pampublikong paaralan, naglagay ng Smart TV sa mga kindergarten classroom, nagbigay ng allowance sa mahigit 11,000 guro, at nagpatupad ng libreng gatas para sa mga bata.
Ekonomiya at Trabaho
Ibinahagi rin niya ang muling pagbubukas ng Electronic Business One Stop Shop at pagpapadali ng dokumento para sa negosyo, na nagdulot ng higit 300% pagtaas ng koleksyon ng buwis sa unang tatlong buwan ng administrasyon. Umabot din sa P7.1 bilyon ang bagong investments na lumikha ng mahigit 12,000 trabaho.
Inklusibong Lipunan
Tinutukan din ang usapin ng social inclusion sa pamamagitan ng ginanap na Summer Pride Parade 2026, na dinaluhan ng libo-libong miyembro ng LGBTQIA+ community, pamilya, at tagasuporta mula Ermita hanggang Remedios Circle.
Ayon sa kanya, matagal nang may Anti-Discrimination Ordinance ang Maynila para sa proteksyon ng LGBTQIA+ community, at ang Pride Parade ay pagpapatuloy lamang ng naturang polisiya.
“Ang lungsod na may iniiwan ay hindi sustainable,” diin niya.
Sa kanyang pangwakas na mensahe sa mga estudyante, hinikayat niya ang aktibong pakikilahok sa lipunan.
“Ang sustainability ay paggawa ng desisyon ngayon para pasalamatan ng susunod na henerasyon,” aniya. “Sa Maynila, ginagawa namin iyan.”(BP)