Advertisers
Ni Beth Gelana
Trending ang pagsulyap umano ni Angel Locsin sa Instagram ng kanyang stepson na si Joaquin Arce.
Pero, may paglilinaw ang nasabing viral silip ng aktres.
Ayon sa mga kumalat na posts at reports, “nasulyapan” si Angel sa Instagram Story ng stepson niyang si Joaquin, anak ng mister niyang si Neil Arce.
Ang ibig daw sabihin nito ay hindi si Angel mismo ang nag-post—lumabas lang siya sa IG story ni Joaquin kaya napansin ng fans.
May mga posts pa na nagsasabing “muling nasilayan” siya doon kaya naging usap-usapan ulit online ang aktres sa social media.
Nagkaroon lang daw ng hype kasi bihira nang makita si Angel publicly since nag-hiatus siya.
So, hindi si Angel ang “sumilip” sa IG ni Joaquin — kundi siya ang nasilip sa IG story ng anak ni Neil.
Uhhhmmmm… Sa kagustuhan ng fans na muling makita ang aktres kahit man lang sa social media, ultimong kahit segundo na nasilayan nila ang aktres ay trending na agad socmed.
Marami naman na kasi ang nakakamiss sa original Darna ng bansa.
Kelan ka nga ba babalik sa showbiz Angel?