Advertisers
Ni Anne Venancio
INAMIN ni Cristine Reyes sa “The Sexytime Podcast” ang mga pinagdaanan niya sa kanyang dating asawa at kung paano ito nakaapekto sa kanyang trabaho at personal na buhay.
Ayon sa aktres, kasabay ng kanyang taping sa Tubig at Langis ay kinakaharap niya ang problema sa kanyang relasyon, ilang buwan matapos niyang manganak.
Ikinuwento ni Reyes, “That time na pinagtatakpan ko pa eh, na hindi kami okay pero nagpo-post ako na parang happy family pero ‘yung totoo hindi siya talaga umuuwi sa bahay.”
Dagdag pa niya, “Pumupunta siya sa mga casino tapos meron silang mga girls na kasama.”
Sinabi rin ng aktres na pinili niyang huwag magsalita noon upang maprotektahan ang kanyang pamilya. “Hindi ko ito in-open sa lahat kasi… sinasabihan ako na hindi ko dapat kinikwento ‘yun pero ngayon, kailangan ko siya ilabas.”
Ibinahagi rin niya na may pagkakataong nakalimutan ng kanyang asawa ang kanilang wedding anniversary. “Ito talaga ‘yung worst… sinong matinong tao ang makakalimot ng wedding anniversary nyo?”
Mabuti nalang daw at natauhan siya at nagdesisyon na makipaghiwalay. “Nakipaghiwalay ako sa kanya… did you ever ask me out on a date?” giit niya.