Advertisers

Advertisers

Nadine Lustre at Kathryn Bernardo nagpalitan ng ka-labtim!

0 23

Advertisers

Ni Anne Venancio

PALITAN ng ka-labtim!

MAGSASAMA sina Multimedia Princess Nadine

Lustre at Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa Love, Siargao, na mapapanood sa streaming platform na Viu. Kaya naman nag-react ang ilang fans ni Kathryn Bernardo, dahil mukhang tatapat ito sa bagong Kapamilya teleserye na Someone, Someday kasama si James Reid, na mapapanood sa Netflix.

Ang 26-episode na serye ay tungkol sa “Siargao Curse,” isang alamat sa isla na nagsasabing ang sinumang pumapasok dito ay maaaring manatili magpakailanman o tuluyang mai-inlove.

Post nga ng Viu Philippines sa kanilang social media account:

ASIA’S MULTIMEDIA STAR MEETS THE PRESIDENT! ??

Alden Richards and Nadine Lustre are teaming up for their biggest upcoming series yet. The Siargao Magic gets real this 2026. Love, Siargao, coming soon only on Viu!

Kasama rin sa cast sina Choi Bo-min.

Samantala, matatandaang sikat na sikat noon ang tambalang Nadine Lustre at James Reid (JaDine), Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), at Maine Mendoza at Alden Richards para sa AlDub. Pero ngayon, gumagawa na sila ng mga proyekto na iba na ang kanilang katambal at hiwalay na bilang couple.