Advertisers

Advertisers

Good News, Manilenyo: Dimasalang Bridge Southbound Lane, bukas na sa Enero 17

0 71

Advertisers

Muling bubuksan sa publiko ang southbound lane ng Dimasalang Bridge sa Enero 17, 2026 matapos makumpleto ang mga gawaing rehabilitasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ayon sa pormal na abisong ipinadala sa Manila City Hall ngayong linggo.

Sa isang liham na may petsang Enero 14, 2026, ipinaalam ng DPWH–North Manila District Engineering Office kay Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang pagkakumpleto ng proyekto na sumaklaw sa southbound carriageway ng nasabing tulay.



Ang proyekto, na may pamagat na “Rehabilitation / Major Repair of Permanent Bridges – Dimasalang Bridge (B01820LZ) along Dimasalang Street,” ay kinabibilangan ng malawakang pagkukumpuni ng istruktura ng tulay at ipinatupad sa ilalim ng joint venture ng G.F. Fabian Construction at F316 Construction Corporation.

“Pinababatid po na matagumpay nang natapos ang mga gawaing rehabilitasyon para sa southbound lane ng Dimasalang Bridge,” pahayag ni DPWH North Manila District Engineer Dennis E. Sandoval sa liham na ipinadala sa alkalde.



Dagdag pa ni Sandoval, matapos ang pagkakumpleto ng proyekto, “ang nasabing lane ng tulay ay nakatakdang buksan sa publiko sa Enero 17, 2026,” na magbabalik sa normal na daloy ng southbound traffic sa mahalagang rutang ito.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang DPWH sa pamahalaang lungsod ng Maynila sa maayos na koordinasyon at suportang ibinigay ng tanggapan ng alkalde sa buong panahon ng implementasyon ng proyekto.(BP)