Advertisers

Advertisers

DEREK RAMSAY, BALIK-AKTING MATAPOS ANG HIWALAYAN

0 34

Advertisers

Ni Favatinni San

BUMALIK na sa pag-arte si Derek Ramsay matapos ang paghihiwalay nila ni Ellen Adarna. Matapos ang kontrobersyal na breakup, muling tutok si Derek sa kanyang career sa showbiz.

Hindi pa rin humuhupa ang usap-usapan sa social media kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Lalong umugong ang isyu nang maglabas si Ellen ng mga rebelasyon, kabilang ang umano’y mga problema sa kanilang pagsasama, gastusin sa kasal, at alegasyon ng matinding pananakit.

Ngayong Year of the Fire Horse, handa na si Derek na magsimula muli. Isa siya sa mga bibida sa bagong TV project na “The Kingdom: Magkabilang Mundo”, na ipino-produce ng APT Entertainment Inc. at MediaQuest Ventures (TV5). Makakasama niya rito si Piolo Pascual. Ito ang TV adaptation ng pelikulang unang pinagbidahan nina Bossing Vic Sotto at Papa P.

Nagpahayag ng labis na pasasalamat si Derek sa tiwalang ibinigay sa kanya ng mga producer at nangakong pagbubutihin niya ang kanyang pagbabalik-telebisyon. Excited na raw siya at tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabalik sa pag-arte.

Sa darating na Valentine’s Day, mukhang magiging low-key muna si Derek—posibleng zero lovelife at mas pipiliing mag-focus sa kanyang anak na si Lily. Pero naku, sa taglay niyang karisma, siguradong marami pa ring girlash ang mahuhumaling sa aktor. Paano nga ba siya mareresist? Owww!

***

JOSE “MONTY” FLORES, BALIK-PINAS PARA SA LEGENDARY DANCERS REUNION

NAGING matagumpay ang reunion ng mga Legendary Dancers na ginanap sa Krug Club, na dinaluhan ng mga kilalang dancers mula dekada ’80 at ’90.

Umuwi ng bansa si Sir Jose “Monty” Flores, dating miyembro ng mga grupong Knapsacks at Maneuvers. Dumalo rin sa reunion ang mga Go Go Girls, X-People, at si Jim Salas ng UMD.

Matagal ding nanirahan sa Amerika si Sir Monty at noong mga kumpetisyon ng grupong Electrogroovers, isa siya sa mga tumulong sa hip hop competitions sa Arizona. Present din sa event ang mga grupong Krittix Jr., Cool Kids Crew, na talaga namang kinagiliwan ng audience sa kanilang mga dance performance.

Binigyan ng espesyal na pagkilala si Sir Monty bilang isa sa mga pioneer ng Philippine dance culture, lalo na sa pagpapakilala ng breakdancing, hip hop, at street dance sa bansa.

Dumalo rin si Aqua Rider ng Red Tiger Multi-Media Production, kasama ang kanyang mga talents—mga kilalang dancers, recording artists, kids dance groups, at models.

Congrats, Sir Monty! Tunay na deserving ang parangal para sa iyong kontribusyon sa sayaw at kultura ng Pilipinas.