Advertisers
ILANG TAON ng nananatiling buhay at malakas ang lantad na operasyon ng iligal na sugal na isinumbong sa BALYADOR ng mga mindoreño na galit sa sugal particular ang mga lantad na sugal sa perya tulad ng “color games at drop ball” at ang talamak na operas yon ng “jueteng” na minamantini ng ilang maimpluwensiyang pulitiko sa Occidental at Oriental Mindoro — iligal na sugal na pinaniniwalaang pinopondohan ng mga bigtime at kilalang indibidwal na sangkot umano sa kalakalan din ng droga.
Sa kabila ng mga ulat na umaabot na umano sa mahigit 400 mesa ng “color games at drop ball” ang mga naglipana sa iba’t ibang barangay at bayan sa nabanggit na mga lalawigan na tila nagiging bulag at bingi ang mga lokal na kapulisan at ang mga pamahalaang panlalawigan.
Tanong ng mga nagrereklamo sa pitak na ito kung nasaan na si Police Regional Office MIMAROPA Regional Director PBGEN JOVENCIO BADUA JR.?
Hanggang kailan mananatiling tikom ang bibig ng heneral at walang aksyon laban sa iligal na gawaing ito na sumisira sa kabuhayan at moral ng kanilang mga nasasakupan?
Hindi rin makakaligtas sa pananagutan ang mga opisyal ng kapulisan sa lalawigan. Sina Occidental Mindoro Provincial Director PCOL TIMOTEO ESPIRIU, at Oriental Mindoro Provincial Director PCOL EDISON REVITA na may malinaw na mandato na sawatain ang lahat ng uri ng iligal na sugal.
Ngunit sa halip na pagkilos, tila may umiiral na katahimikan at pagpapabaya.
Habang patuloy ang talamak na operasyon ng mga peryahan na may sandamakmak na sugal at jueteng sa 11 bayan ng Occidental Mindoro at 15 bayan/siyudad sa Oriental Mindoro, dumarami naman ang mga nagiging biktima ng kahirapan, bisyo, at kriminalidad.
Kung tunay na may malasakit sa bayan, panahon na siguro para ipakita ng mga tagapagpatupad ng batas na hindi sila kasabwat sa katahimikan.
Sa Mindoro province, matagal nang umiikot ang “pera” ng color games, drop ball at jueteng — ngunit kailan pa kikilos ang mga dapat lumaban dito?
Sa halip na pangunahan ang paglilinis, tila nagbubulag-bulagan sa harap ng malinaw na paglabag sa batas.
Ang kawalan ng aksyon ng mga nabanggit na mga opisyal ng kapulisan ay hindi na simpleng kapabayaan—ito ay malinaw na pagkunsinti sa iligal.
May kasunod pa!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email: balyador69@gmail.com – Lagi ring tumutok sa programang BALYADOR tuwing martes at linggo 2:30pm-3:30pm sa DWBL 1242 kHz AM band nationwide Mega Manila at tuwing lunes at biyernes 11:00am-12:00noon sa local radio DWXR 101. 7 FM Calapan City,