Advertisers
Hinimok ni Vice Mayor Chi Atienza ang mga sponsors, animal welfare advocates, at compassionate Manileños na tumulong sa pagpapatuloy ng mass spay at neuter program ng lungsod, na pinangangasiwaan ng Biyaya Animal Care Foundation.
Bahagi ng programa ang pagbuo ng comprehensive TNVR o Trap-Neuter-Vaccinate-Return roadmap na may target na hanggang 500 sterilizations bawat session sa iba’t ibang distrito upang tugunan ang lumalalang kaso ng animal overpopulation sa Maynila.
Giit ng Biyaya Animal Care at city veterinary teams, libre ang serbisyo para sa publiko ngunit nangangailangan ng resource augmentation, kabilang ang anesthesia, vaccines, medical consumables, logistical support, at financial assistance.
Ayon kay Atienza, mahalaga ang partisipasyon ng pribadong sektor upang maging sustainable ang programa, lalo na’t layunin nitong tularan ang matagumpay na weekly sterilization drives sa Baguio City matapos sanayin ng Biyaya Animal Care ang mga lokal na beterinaryo.
Dagdag pa ng bise alkalde, magsisilbing halimbawa ang programa sa pagpapatatag ng animal welfare initiatives sa Maynila at sa pagpapatunay na kaya ng pamahalaan at komunidad na magtulungan para maiwasan ang pagdurusa ng hayop. (Jocelyn Domenden)