Advertisers

Advertisers

SABWATAN NG MAY SALTIK ANG IMPEACHMENT COMPLAINT KONTRA BBM

0 44

Advertisers

SMINASDAN namin mabuti ang listahan ng mga taong nagahahanda ng impeachment complaint laban kay BBM. Pawang may mga saltik sa utak ang nasa listahan. Nangunguna si Kin Kiko Barzaga ng Cavite na walang ginawa na matino para sa kanyang distrito sa Cavite ngunit ang ngumiyaw na parang ligaw na pusa.

Kasama niya ni Kin. Rizelle Singson, anak ni Chavit Singson at kinatawan ng hindi alam na kung anong party list group. Hindi kasi naririnig ang kanyang pangalan sa anumang gawain sa Camara de Representates. Ang alam namin ay kukubra lang siya ng suweldo tulad ng nagtatagong si Bato dela Rosa.

Kasama nilang complainant si Chavit at Jacinto Paras na kinilala na mga batikang trapo. Hindi namin alam kung kasama ang grupong Mafia ng Dabaw tulad ni Polong, Omar, 6 City sa Camara. Hindi pa lumulutang ang kanilang mga pangalan.

Hindi pa namin alam kung may susuporta sa impeachment complaint kontra kay BBM. Ngayon, tanging si Kin. Edgardo Erice ng Kalookan City ang maingay tungkol sa impeachment complaint kontra BBM. Hindi pa lumabas o kung may lalabas pang mambabatas laban kay BBM.

Hindi malinaw kung susulong ang reklamo laban kay BBM. Kung Erice lang ang maingay, maaari balewalain na ito at ituring na utot lang ng iilan. Hindi ito dapat pag-aksayahan ng panahon dahil maraming isyu ang humaharap sa bayan.
***
HINDI maituturing na lokal na bersyon ni Bill Gates o Steve Jobs si Leandro Leviste na naging multi-bilyonaryo sa edad na 20. Wala siyang natatagong galing upang magkamal ng ganoong kalaking salapi. Hindi siya naghirap tulad ni Bill at Steve na pinuhunan ang kanilang angking talino upang dalhin ang Amerika sa kinabukasan.

Ang tanging puhunan ni Leviste ay ang koneksyon. Senadora ang kanyang ina na si Loren noong pangulo si Gongdi. Ginamit ang koneksyon upang makakuha si Leviste ng prangkisa mula Kongreso at proyekto mula kay Gongdi. Abot sa P34 bilyon ang proyekto ng batang Leviste upang pailawan ang malaking bahagi ng bansa ng ipinagmamalki niyang solar power.

Pero abusadong bilyonaryo si Leviste. Hindi kinaya ng powers ni Leviste na gawin ang isinasaad ng kontrata niya sa gobyerno. Sinalo siya ni MVP ng Salim Group at binili ang kompany niya ng abot sa P35 bilyon. Huwag magkamali. Hindi tycoon si MVP. Tao siya ng mga Salim ng Indonesia.

Ngayon, nahaharap si Leviste sa mga multa na aabot sa P24 bilyon dahil sa kabiguan niya na matupad ang kontrata sa gobyerno. Hindi namin alam kung ano ang endgame, ngunit nangangahulugan na kukunin ng gobyerno ang pinagbentahan ng kompanya niya kay MVP. Hindi namin alam kung haharap ang batang Leviste sa asuntong kriminal.

Estapador pala si Leviste at tama lang na managot siya sa batas. Nagkakalat lang siya ng lagim. Maigi rin na mabisto si Loren sa kanyang ginagawang pagtatakip at pagsuporta sa anak na estafador. Managot silang mag-ina sa batas.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “What is more reasonable at this point is to negotiate with Portugal for Zaldy Co’s deportation to the Philippines. An extradition treaty is not indispensable for the return of a fugitive to his country. An extradition treaty merely compels the requested country to abide by its treaty obligation to surrender a fugitive found in its territory. Deportation at the instance of Portugal is another means. The deportation by Portugal of Co to the Philippines can be immediately negotiated diplomatically, even without the formality of entering into an extradition treaty. If this logical and uncomplicated option is not yet being explored by the DFA at this point, weeks after the cancellation of Co’s passport, then our confidence in this administration’s capacity to bring Co to justice is all the more diminished.” – Leila de Lima

***

Email:bootsfra@gmail.com