Advertisers

Advertisers

JEFFREY SANTOS VERY PROUD SA KAPATID NA SI JUDY ANN

0 17

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

Multi-awarded actress si Judy Ann Santos dito sa Pilipinas man at maging sa ibang bansa.

Kaya naman proud ang kuya ng aktres, ang aktor ring si Jeffrey Santos, sa mga achievements ng kanyang bunsong kapatid.

Most recent international acting award ni Judy Ann ay bilang Best Actress sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal para sa pelikulang Espantaho March 2025.

Bago iyon, Disyembre naman ng 2024 ay nagwagi rin si Judy Ann bilang Best Actress, para rin sa Espantaho, sa 50th Metro Manila Film Festival.

“O di ba, ilang beses, ‘no?

“Ilang beses, oh my God,” bulalas ni Jeffrey.

Nagugulat pa ba si Jeffrey kapag nananalo ng acting award si Judy Ann o sanay na siya?

“I am thankful that finally she’s recognized with the talent that she’s been blessed with.”

Kahit noon pa man ay may international acting award na ang kapatid niya; noong 2019 ay tinanghal na Best Actress si Juday, para pelikulang Mindanao, sa 41st Cairo International Film Festival sa Egypt.

Sina Judy Ann at ang Superstar Nora Aunor (noong 1995 para sa The Flor Contemplacion Story) pa lamang ang mga Pilipinong artistang nagwagi sa Cairo International Film Festival.

Internationally and locally ay halos hindi na mabilang ang acting awards ni Judy Ann.

“Oo pero iba, e iba yung feeling na… lumalawak yung mundo ng kapatid ko.

“Di ba? Nare-recognize yung talent niya, and you know, and at the same time, whether she’s conscious about it or not, she’s opening doors!

“She’s opening doors for local actors.

“Kasi maiintriga, ‘Bakit siya magaling? Saang bansa ba galing iyan? Sumubok nga kayo ng artistang galing doon. Kung hindi siya available maghanap kayo ng iba.’

“She’s opening doors. She’s… literally the floodgates are open right now for Filipino actors making it internationally because she’s one of the few actors who transcended into the international scene.

“Nakaka-proud, both as a brother, pero I’m prouder as a Pinoy!

“Di ba? Iba yung dala niya ng flag natin doon.”

Tungkol naman kay Jeffrey, mapapanood siya sa pelikulang Breaking The Silence na isinulat rin ng mismong direktor ng pelikula na si Errol Ropero.

Tungkol ito sa mental health at bullying na palaging napapanahon dahil patuloy na nangyayari sa ating lipunan.

Iba ang atake ni direk Errol sa pelikula kaya maraming aral na mapupulot ang mga manonood, partikular na ang mga kabataaang nabu-bully sa school, naba-bash online at nape-pressure sa demanding na magulang mula sa pelikula.

Mahusay ang mga batang bida sa movie na sina Yvo Wever, Gray Weber at Francis Saagundo, maging ang young stars na sina Potchi Angeles at Shira Tweg.

Tama ang desisyon ng executive producers ng pelikula na sina Ms. Ann Michelle Weber & Mr. Lawrence Weber (under Gummy Entertainment Productions) na buuin ang Breaking The Silence na nag-iikot na sa mga showing sa mga iba-ibang paaralan sa buong Pilipinas.

Nasa pelikula rin sina Ramon Christopher, Pinky Amador, Bugoy Cariño, Rob Sy, Pekto Nacua, Mark Herras, Irish Contreras, Brace Arquiza, Gene Padilla, Patani Daño, Sylvia Manansala, Panteen Palanca, Jerico Balmes, Carl Acosta, Miles Manzano, Shane Carrera, Ryrie Sophia, Zion Cruz, Tokyo Rodriguez, Jared Reyes, Christian Villanueva, Arwen Cruz, Mira Aquino, Erika Palisoc, Chelsea Pergis, Emmanuel Talukder, Achilles Ador, Stanray Clark, Uno Weber, Mavi Weber, Mikaela Saldaña, Dirc Manliclic, at Drey Lagrago.

My special appearance sa pelikula si Dr. Lourdes Dimaguila na misis ng Congressman ng lone district ng Biñan, Laguna na si Congressman Arman Dimaguila; malaking bahagi ng pelikula ay kinunan sa Biñan na hometown namin.

Soon ay magkakaroon ng commercial showing sa mga sinehan ang Breaking The Silence.