Advertisers

Advertisers

Buhay ng bata, prayoridad ni Isko; may sakit sa atay pinadala sa India para sa Life-Saving Transplants

0 14

Advertisers

Ipinahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso noong Martes ng hapon, Enero 20, ang pagpapadala ng panibagong grupo ng mga batang Manileño sa India upang sumailalim sa life-saving liver transplant sa ilalim ng medical assistance program ng lungsod.

Ayon kay Domagoso, naglaan ang lungsod ng kabuuang P6,976,208.85 para sa mga bagong pasyente, na sumasaklaw sa gastusin para sa apat na batang kailangan ng liver transplant at isa pang pasyenteng nangangailangan ng burr hole aspiration at craniotomy.



Sa maikling pakikipag-usap sa mga pamilya, pinaalalahanan ni Domagoso ang lahat na pasalamatan ang Diyos at ang mga taxpayers ng Maynila para sa tulong. “Pasalamat kayo sa Diyos at sa taxpayers ng Manila,” ani ng mayor.

Hinihikayat din niya ang mga magulang na manatiling matatag at manalig habang inihahanda ang kanilang mga anak para sa operasyon sa ibang bansa. “May awa ang Diyos, magdasal kayo,” dagdag niya.



Ipinahayag ni Domagoso ang pag-asang makakabawi ang mga bata at maging malusog pagkatapos ng kanilang operasyon. “Sana lumaki at maging malusog silang lahat,” ani pa niya.

Bahagi ang bagong batch ng tulong na ito ng patuloy na commitment ng mayor na pondohan ang life-saving medical treatments para sa mga Manileño na hindi kayang magbayad ng specialized procedures, partikular ang pediatric liver transplants na bihira pa sa bansa.



Noong Disyembre 2025, naglabas ang lungsod ng P7.4 milyon mula sa Special Health Fund para suportahan ang limang batang Manileño na sumailalim sa liver transplant sa India, kung saan apat ang ginamot sa Indraprastha Medical Corporation Ltd. at isa sa Max Healthcare Institute Limited.

Binibigyang-diin ng mayor na kasama ang lungsod at ang mga Manileño sa pagtulong sa mga pamilya.

Bahagi rin ang programang ito ng long-term vision ni Domagoso na palakasin ang lokal na kapasidad ng medical services, kasunod ng unang matagumpay na pediatric liver transplant sa isang government hospital sa UP Philippine General Hospital, na sinuportahan ng mahigit P30 milyon na donasyon para sa pagpapalawak ng life-saving pediatric surgeries sa bansa.(BP)