Advertisers
SA pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee last Monday, itinanggi ni tech executive Maynard Ngu ang mga paratang na ibinabato sa kanya ni former Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo.
Ginamit ni Ngu ang nasabing hearing bilang pagkakataon upang direktang pasinungalingan ang akusasyon na tumanggap siya ng P160 milyon at P280 milyon mula sa mga flood control project.
“I absolutely deny all the allegations made by Usec. Bernardo. That’s the reason I already filed a case against Usec. for defamatory insinuations,” diin ni Ngu.
Hindi rin pinalampas ni dating Department of Education Usec. Trygve Olaivar ang paratang sa kanya ni Bernardo, na kanyang mariing itinanggi.
Inakusahan si Olaivar na humingi ng 15 porsiyentong kickback mula sa iba’t ibang DPWH projects na may kabuuang halagang P2.85 bilyon, at sinabing para raw ito kay “ES”.
“I deny those allegations. Wala pong katotohanan—lahat po from the communication, nag-deliver kay Executive Secretary na wala naman po akong personality kay Executive Secretary,” giit ni Olaivar.
Para kina Ngu at Olaivar, malinaw na hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ni Bernardo. Mismo!
Sa puntong ito, mahalagang ibalik ang diskusyon sa tamang perspektibo, lalo na’t ang mga akusasyon ay nagmumula sa isang testigong may seryosong isyu sa kredibilidad.
Ang naririnig ng publiko sa Senate Blue Ribbon hearings ay mga alegasyon pa lamang. Wala pang findings, wala pang ruling, at lalong wala pang conviction. Ang mga pagdinig sa Senado ay fact-finding proceedings, hindi isang hukuman na nagbibigay ng hatol. Sa ilalim ng Saligang Batas, umiiral parin ang ‘presumption of innocence’.
Dapat ding tandaan na ang alegasyon ay hindi ebidensya, lalo na kung wala itong malinaw na basehan at umaasa lamang sa salaysay ng isang tao tulad ni Bernardo. Mismo!
Hindi dahil nagsalita si Bernardo ay awtomatikong totoo na ang kanyang mga akusasyon. Importante ang due process. Kung may matibay na ebidensya, ilabas ito. Kung wala, mali ang trial by publicity kungsaan hinuhusgahan agad ang mga tao sa social media at opinyon ng publiko, gaya ng nararanasan ngayon nina Ngu at Olaivar.
Layunin ng Senate investigations na maglatag ng katotohanan, hindi ang wasakin ang reputasyon gamit ang hindi pa napatunayang paratang.
Kung titingnan ang mga sinasabi ni Bernardo, kapansin-pansin ang kakulangan sa dokumento at independent confirmation. Iisa ang pinanggagalingan ng claims at wala pang konkretong paper trail. Maraming pangalan ang binanggit nguni’t kulang sa supporting evidence.
Ang affidavit, kung walang corroboration, ay umpisa pa lamang ng imbestigasyon.
Sa lawak at lalim ng isyu ng flood control corruption, hindi makatarungan na basta ituro ang sisi sa iilang indibidwal na tila ba sila ang pinagmulan ng lahat.
Ang pagharap nina Ngu at Olaivar sa hearing ay hindi patunay ng kasalanan. Sa halip, ito ay pagkakataon upang linawin ang mga isyu, sagutin ang mga tanong, at pabulaanan ang mga walang basehang paratang sa ilalim ng panunumpa. Iyan ang tunay na kahulugan ng transparency. Mismo!