Advertisers
Magkakaroon na ng malawak na parke ang mga lolo’t lola gayundin ang mga alagang aso na magbibigay ng kaginhawaan at maayos na pasyalan.
Kasunod ito ng isinagawang groundbreaking ceremony sa kauna-unahang Senior Citizens Park at Pet Park sa Pandacan, Maynila, Martes ng umaga.
Ito ayon kay Mayor Isko ay isang open green space kung saan maaring makapag-stretching ang mga lolo’t lola.
Tulad aniya sa ibang bansa , maari na ring dalhin ang mga alagang aso sa parke sa kauna-unahang pagkakataon .
“Alam ko marami rin sa Pilipinas ang pet lover kaya we create park for the first time in the country wherein people bring their pets together”.sabi ng alkalde.
Ang Parke ay idinisenyo na mayroong activity area, senior citizens pavillion, dog park, pathwalk and sunken garden at marami pang iba .
Ito ay naisakatuparan sa tulong na rin ng City Council sa pamumuno ni Vice Mayor Chi Atienza , Department of Budget and Management (DBM) at ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes.
Ayon kay VM Chi Atienza, ito ay isang ehemplo na unti-unti nang nabubuhay ang ilang parte ng Maynila at naniniwalang balang araw ay magiging Singapore ang lungsod.
Sinabi naman ni Usec.Goddess Hope Libiran na buo ang suporta ng DBM sa programa na makakapagpaganda ng bayan.
Aniya, hindi lamang ito simpleng Parke kundi sumisimbolo ng lugar na mararamdaman ng buong komunidad ang kaunlaran na dapat mapakinabangan ng lahat.
Sinabi naman ni MMDA Chairman Roman Artes, na isang mahalagang hakbang ang pagpapalawak ng open green spaces sa Maynila kung saan nagbigay din ng karagdagang pondo ang ahensya mula sa kanilang green green program. (Jocelyn Domenden)



