Advertisers

Advertisers

‘Killer’ ng dalagang dayo sa Tondo iprinisinta kay Mayor isko

0 7

Advertisers

Iniharap kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang suspek sa pagkamatay ng isang dalaga na dayo lamang sa Maynila noong Disyembre 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas Kyle, 24-anyos, miyembro ng Batang City Jail, at naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 1 (Raxabago station) nang mahulihan ng baril nitong Lunes ng gabi.



Ayon sa alkalde, dumalaw lamang ang biktima sa kanyang mga kakilala sa Tondo nang mangyari ang insidente.

“Pinagpapasalamat ko, una sa Manila Police District — to the men and women personnel of MPD at I hope we could given justice to the victim,” sabi ni Mayor Isko.

Tulad anya ng paulit-ulit niyang sinasabi sinisiguro niya na kung hindi man mapigilan ang mga kriminal na gumawa o makapanakit, gaano man katagal kailangan pa rin silang mapanagot sa batas.

“Basta mga batang Maynila pumanatag kayo basta mayroong nang-api sa inyo, nang-abuso sa inyo, nambiktima sa inyo – rest assured that your City Government will go after them wherever they are whorever they are and to the help of Manila Police District will bring them to justice,” ayon pa sa alkalde .(Jocelyn Domenden)