Advertisers

Advertisers

Gen. Badua at Col. Revita kaladkad sa sugal sa Oriental Mindoro?

0 14

Advertisers

ANYARE sa mga itinalagang opisyal ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., sa Police Regional Office MIMAROPA at Oriental Mindoro Police Provincial Office bakit hindi nila masupil ang pamamayagpag ng mga salot na sugal sa mga peryahan tulad ng drop ball (pingpong) at color games.

Ayon sa reklamo matagal ng perwisyo ang mga salot na sugal saan mangsulok sa bayan ng Naujan, Bongabong, Socorro, Puerto Galera, Victoria, Baco, San Teodoro, Pinamalayan, Mansalay, Bansud, Roxas, Gloria, Pola, Bulalacao at Calapan City.

Giit ng mga nagrereklamo hindi umano ito prayuridad ng mga hepe ng kapulisan maging nina Police Regional Office MIMAROPA Regional Director PBGen Jovencio Badua at Oriental Mindoro Provincial Director PCol Edison Revita.

Matagal ng problema ng mamamayan simbahan at ng mga debotong namamanata ang mga salot na sugal na pinagpipiyestahan gabi-gabi ng mga adik at sugarol maging ng mga kabataan subalit wala umanong ginagawang aksyon ang mga nabanggit na PNP official.

Imbes na ilayo nina Gen. Badua at Col Revita sa bisyo ang mga tao tila sila pa ang nagtutulak sa mga residente para magumon o malulon sa bisyong sugal.

Ipinangangalandakan umano ng mga organisadong sindikato ng sugal lupa na naka timbre ang mga pasugalan nila sa diumanoy mga tauhan ng Police Regional Office MIMAROPA at Oriental Mindoro Police Provincial Office na alyas Sgt Manalo, Sgt Raymond, Sgt, Nonoy, at Sgt Guco.

Ipinagmamalaki umano ng mga bigtime na peryante na binusog nila sa lingguhang “intelihensiya” at “goodwill” ang nabanggit na mga “bagman” o “kolektor” para hindi sila nabubulabog.

Marami na umanong mag-asawa ang nag-aaway na lulon sa sugal na imbes ipambili na lamang ng bigas at ulam ang kanilang pera ay naitataya pa sa mga salot na “color games, baraha at drop ball” (pingpong) maging sa jueteng na ilang dekada ng talamak sa lalawigan.

Wala rin umanong habag at kunsinsya ang mga kunsintidor at protektor ng sugal sa lalawigan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor na hindi bababa sa 300-mesa.

Kapag nagsumbong umano sila sa mga police station, mga gambling operator ang kinakampihan at hindi ang mga nagrereklamong residente na ayaw sa sugal.

Ipinagmamalaki ng mga perya operator na “selyado” ang timbre sa mga hepe ng kapulisan haaggang sa Police Provincial Office at Regional Police Office.

Pati nga raw ang KAPITOLYO plantsado ang kanilang TIMBRE sa pamamagitan ng isang alyas Nani.

Kaya namamayagpag ang mga salot na sugalan dahil PASOK pala lahat.

Kaya panawagan ng mga residente sa BALYADOR na gawin nalang umanong tambakan ng gulay ang mga walang silbing tanggapan ng kapulisan.

Sa NPA na lang tayo magsumbong baka sakali maaksyunan ito.

Hanggang kailan mananatiling tikom ang bibig ng police colonel at police general at walang aksyon laban sa iligal na gawaing ito na sumisira sa kabuhayan at moral ng kanilang mga nasasakupan?

Sa halip na pagkilos, tila may umiiral na katahimikan at pagpapabaya dito.

Habang patuloy ang talamak na operasyon ng mga peryahan na may sandamakmak na sugal at ang dekada ng operasyon ng jueteng, dumarami ang mga nagiging biktima ng kahirapan, bisyo, at kriminalidad.

Nananatiling buhay at malakas ang lantad na mga pasugalan sa Oriental Mindoro maging sa Occidental Mindoro— iligal na sugal na pinaniniwalaang pino-protektagan ng ilang matataas na police official at maimpluwensiyang pulitiko na pinopondohan ng mga bigtime at kilalang indibidwal na sangkot din umano sa kalakalan ng droga ayon sa sumbong ng mga residente.

Gusto kulang ipaalala sa mga hepe ng kapulisan lalong-lalo na kina Col Revita at General Badua na kaakibat ng pamumuno sa organisasyon ay ang responsibalidad at ang mabigat na pananagutan na mga nabigyan ng kapangyarihan sa bisa ng mandato ng “police service” ay may pananagutan batay sa doktrina ng “command responsibility”.

Kaya kung may pagpapabaya kayo inyong tungkulin sa di pag-aksyon laban sa mga peryang may sandamakmak na sugal at talamak na jueteng ay pagpapabaya sa tungkulin ang tawag dito?

Tutukan natin, May kasunod pa ito!

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com – Lagi ring tumutok sa programang “Walang Personalan Trabaho Lang” tuwing martes at linggo 2:30pm-3:30pm sa DWBL 1242 kHz AM band Mega Manila – At sa programang “BALYADOR” tuwing biyernes 11:00am-12:00noon sa DWXR 101.7 FM