Advertisers
MAGANDANG balita para sa mga batang alagad ng sining at palakasan (sports)sa Kabikulan.
Bicol- bound na ang ‘Danisimon Free Arts & Sports Clinic na may temang ‘Go young artists and athletes GO’ tungong Sorsogon.
Layon ng kaganapang inorganisa ng visual artist at journalist na inyong lingkod ang lumawig pa ang misyong mai-share ang God- given talent para maturuan ng basic na kaalaman sa larangan ng sining ang mga potensyal na mga batang Bicolano at matuto rin ng inisyal na karunungan sa larangan ng palakasan sa iko – conduct na clinic ng mga piling sports experts ng Gilas.
“Start ’em young.Maraming potensyal na kabataan na magiging alagad ng sining at sports na kailangan lang na maturuan at madiskubre .Sa pamamagitan ng aking humble na kakayahan ay posibleng maging realidad ang ating adbokasiya. Salamat sa suporta ng butihing Senator Bong Go.Gayundin kay Doc Chito Collantes PhD ng Hoy Maharlika at CWSS Flames Toronto/ Manila.Op kors nariyan ang Philippine Sports Commission(PSC),Philippine Olympic Committee ( POC),Balikbayan Ms. Maharlika Pasay Kitti Kate na staycation sa Naga City na may Medical Mission at Feeding program sa mga Batang Naga City sa Bicol din at ang kanyang morning ròutine sa zumba dance with Naga lady dance enthusiasts,kay Mr.Tariq Butt – President Pakistan ruling party(Pakistani Muslim League(N)- dito sa Pilipinas) at CEO ng Phil Pak Trading sa Makati City,kudos kay Archi Ar Jayzee Celestial..
Mabuhay kayo!
Ang naturang kaganapan ay iko-conduct sa Enero 29,2026 sa Dapdap, Pilar( Pilartists), Sorsogon.ABANGAN!
LOWCUT : Pugay kay Bgy Dapdap Kapitana Reziel Bitancur Baliling at SK Chairman Lawrence Argote Espinosa..Tena sa Kabikulan!
Special shoutout sa ating matikas at magilas na business executive na si G. JERBY MARTINEZ SUMAYAN – isang successful car enthusiast at namamayagpag na negosyong BARLEY. Ipi-feature ng inyong kakorner ang kanyang success story sa ating susunod na print media ,online at socmed platforms…
ABANGAN!