Advertisers

Advertisers

Kahit may edad na… ALDEN NAPAGKAMALANG BAGETS PARIN

0 19

Advertisers

Ni Beth Gelena

Boyish looking naman talaga ang Kapuso aktor na si Alden Richards kaya hindi kataka-takang mapagkamalan siyang ‘totoy’ sa Tate.

Feeling proud si Alden dahil sa edad niyang 34 ay napagkamalan pa rin siyang bagets.

Kuwento niya, may pagkakataon daw na hiningan siya ng ID sa ilang establishments sa US dahil inaakalang minor pa lang siya.

Aniya, “Marami ngang nagpi-feedback na nagugulat sa edad ko, especially noong nasa US ako last vacation ko. Usually kapag minors, hinihingi ng ID, o kapag nagka-card sila.

“I still get that a lot. Doon ako proud talaga, na Pinoy tayo, na mukha talaga tayong mga bata. Ang sarap ng feeling!”

Sa U.S. nagbakasyon si Alden nung Holiday Seasons kasama ang buo niyang pamilya.

“Medyo nakapagpahinga. I think, ang dami rin kasing nangyari last year. Like we did ‘Stars on the Floor’, then nag-film ako ng international film, nag-produce rin ako. Then, ang dami ko ring activities for charity.”

Sa pagpasok ng 2026 ay hindi maiwasang maging busy na naman ang aktor.

Nariyang may bago siyang teleserye na first time nilang pagsasamahan ng award-winning actress Nadine Lustre, may internation movie rin siya kung saan isa rin siyang producer at muli ang pagbabalik ng Season 2 ng dance reality show na siya ang host.

***

GABBI MAY HEARTFELT BIRTHDAY KAY KHALIL

May heartfelt birthday message si Gabbi Garcia sa boyfriend na si Khalil Ramos.
Binalikan ng actress-host ang pagmamahal niya kay Khalil sa 30th birthday ng actor.

Aniya, “Maligayang kaarawan sa pag-ibig ng aking buhay. Nakilala kita noong ikaw ay 19, natagpuan natin ang isa’t isa noong ikaw ay 21, at mula sa sandaling iyon, ang puso ko ay palaging iyo. Ngayon, ikaw ay magiging 30, at kahit papaano ay patuloy na lumalalim at gumaganda ang pagmamahal ko sa iyo sa bawat araw. Hindi ko maiwasang makaramdam ng labis na pananabik para sa lahat ng mga taon, pangarap, at tahimik na maliliit na sandali na ating pinagsasamahan sa buong buhay natin.”

Nagpapasalamat din si Gabbi sa pagkakaroon ng isang Khalil sa kanyang buhay.

“Palaging sinasabi sa akin ng mga tao kung gaano ako kaswerte na ikaw ang kasama ko, at totoo iyon sa lahat ng paraan. Ikaw ay banayad, matiyaga, at ang pinakamapagmahal na kaluluwa. Araw-araw ay nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagpapahintulot sa akin na tahakin ang buhay na ito kasama ka, lumago kasama ka at walang katapusang tumatawa kasama ka.” Tinapos ni Gabbi ang kanyang nakaaantig na mensahe sa isang deklarasyon ng pagmamahal at pasasalamat. “Mahal kita nang buong-buo! Salamat sa iyong magandang puso at sa iyong mahalagang buhay. Walang hanggang pasasalamat ko sa iyo, ngayon at magpakailanman. Maligayang kaarawan aking mahal.”

Papaano ba namang hindi mamahalin nang husto ang isang Gabbi Garcia, bukod sa maganda at napakabait na tao ay isa pang God Fearing.

“Sana ol,” set nga ng netizens.

***

Ibang celebrity ang aarte, tamad sa pagpo-promote…
VICE PINURI SINA KRIS AT BEAUTY NANG MAG GUEST SA IT’S SHOWTIME

Hindi kaya marami ang magreak na mga celebrity na naggi-guest sa programang It’s Showtime kung saan si Vice Ganda ang main host.

May nakakaintrigang pahayag kasi si Meme Vice nang mag-guest sina Kris Bernal at Beauty Gonzales para magpromote ng kanilang bagong teleserye. Pinuri niya ang dalawang aktres dahil game na game ang mga ito sa pakikipagbardagulan sa kanila ni Meme.

Magkagayunman ay hindi maiaalis sa Unkabogable Star ang kanyang pagiging prangka at ang pagka-komedyante.

Aniya, minsan daw ay may mga celebrity silang guest na ang “tamad” umanong magsalita.

Gumagamit siya ng katatawanan upang tawagin ang isang bagay o tao, at kung minsan naman ay upang maghatid ng mensahe o magbigay ng halaga sa kanyang mga tagapakinig.

Sa loob ng halos dalawang dekada, nasisiyahan ang mga tagahanga sa kanyang presensya bilang bahagi ng kanilang nakagawiang panonood sa tanghali. Kasalukuyan ding ipinalalabas ang palabas sa GMA at GTV.

Ito ang dahilan kung bakit pinapayagan ang mga Kapuso star na mag-guest sa It’s Showtime at mag-promote pa ng kanilang mga bagong palabas o pelikula.

Isang netizen ang nagbahagi sa Reddit ng isang bahagi kung saan pinuri ni Vice Ganda sina Beauty at Kris. Ito ay dahil gusto niya ang kanilang enerhiya, at talagang todo-todo silang nagpapasaya sa mga manonood.

“Sa lahat ng artistang naglaro dito, sina Kris at Beauty talaga ang super dance, ini-enjoy nila talaga, ” ani Vice. Ipinunto ng Unkabogable Star na hindi ito ang parehong enerhiya na ipinakita ng ilang celebrity guests.

“True! Oo! Yung iba kasi nahihiya! Nagpopromote tapos nahihiya? Ano kaya yun? Maraming pumupunta dito, ang aarte pa! Sila (Kris and Beauty), ang laban na laban. Oo, pag magpo-promote, energy! Yung iba tamad na tamad, ” wika ng comedian-host said.