Advertisers

Advertisers

Nasaan si Atong Ang?

0 18

Advertisers

NAKATANGGAP daw ng 40 impormasyon ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kung saan nagtatago ang Philippine No. 1 most wanted gambling tycoon na si “Atong” Ang.

Ito’y simula nang mag-alok ng P10 million pabuya ang gob ierno sa makapagtuturo para sa ikaaaresto ni Atong. Baka dagdagan pa nga raw ang pabuyang ito, sabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla.

Ang mga bansa na puedeng pagtaguan ni Atong, ayon kay Jonvic, ay ang Cambodia at Thailand.

Magbubukas daw kasi si Atong ng online sabong sa Cambodia kaya may mga kontak s’ya rito.

Posible rin magtago si Atong sa Mindanao at Visayas, kungsaan marami siyang kaibigang malalaking masiao o gambling lords

Si Atong, para sa kaalaman ng lahat, ay “hari” ng mga masiao. Hindi pa uso ang online sabong ay pekeng “jai-alai” ang pasugal ni Atong. Sa kanya naka-“umbrela” ang mga gambling lords o masiao sa Visayas at Mindanao. Tama ba ako, boss Art at Sir Wacky?

Oo! Sa VisMin lang puede magtago sa Pilipinas si Atong. ‘Di s’ya puede sa Central Luzon o sa Ilocos. Galit sa kanya ang mga gambling lord dito. Kahit itanong n’yo pa kina Bong Pineda at Chavit. Magkakakompetensya ang mga ito eh. Hehehe…

Pero naniniwala ako na si Atong ay nakalabas na nga ng bansa, posible talaga sa Cambodia. Kung paano s’ya nakalabas? Malamang sa tulong ng mga masiao sa Visayas. Mismo!!

***

Malayo pa ang 2028 presidential election, pero kumikilos na ang mga nag-aambisyong pumalit kay Pangulong “Bongbong” Marcos.

Gustong makabalik sa Malakanyang ng dating dominanteng Liberal Party (LP), na ang pinagpipilian ay sina Leny Robredo, Risa Hontiveros at Bam Aquino.

Sa administrasyon, nagpahayag si DILG Sec. Jonvic Remulla na “open” siya sa plano. Sira na kasi si Martin Romualdez eh.

Puedeng puede si Jonvic dahil malaki ang kanyang balwarte at may pera ito.

Siempre, ang siguradong tatakbo ay si VP Sara Duterte-Carpio. Ang problema lang niya ay baka ma-impeach siya. Hehehe…

Actually, kaya gusto ni VP Sara maging presidente ay para lumakas ang tsansa niyang maiuwi sa Pinas ang kanyang ama na nakakulong sa ICC sa The Hague, Netherlands.

Pero sa totoo lang, ‘di puede maging lider ng bansa si Sara. Magulo ang pag-iisip eh. Sabi nga ni Mon Tulfo, may “saltik” si Inday. Masisira raw ang bansa pag ito ang naging pangulo. Aray ko! Say nyo, mga pare’t mare?