Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Successful ang mga showbiz reunions lately tulad ng concert sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, nina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, Mylene Dizon, Dominic Ochoa at Marvin Agustin para sa birthday episode ni Juday sa Judy Ann’s Kitchen, ang dance concert ng Streetboys, ang pelikulang Ex Ex Lovers nina Jolina at Marvin at ang series ng blockbuster shows na Get, Get Aw! ng SexBomb girls.
Kaya tinanong namin si Snooky Serna; wala bang balak na gumawa ng isang reunion movie silang mga original Underage girls na sina Snooky, Dina at Maricel Soriano?
“Iyan ang gustung-gusto naming tatlo for the longest time!
“Sana nga, if ever, sana may makaisip nun, na kaming tatlo. Kung may audience pa rin, kung may mag-e-enjoy pa ring panoorin kaming tatlo together I will be really more than willing to do it again.”
May nais sanang project si Snooky para sa kanilang tatlo.
“Actually pinag-iisipan naming tatlo yung parang The First Wives Club.
“Sabi namin si Dina si Goldie Hawn, si Diane Keaton ako, si Bette Midler si Marya.”
Ipinalabas ang naturang hit movie noong 1996.
Kinumusta naman namin ang relasyon ni Snooky kay Ramon Villarama na dating Vice-governor ng Bulacan.
“We’re still BFFs, oo naman. I mean we’re still together. More than anything naman he’s my bestfriend.
“So ano na kami, thankfully ten years na kami.”
Tumakbo sa Konggreso si Ramon noong 2022.
“Ngayon he owns a school, Colegio de Calumpit, he is the Chairman of the Board.”
Si Snooky ba ay hindi nag-ambisyong pasukin ang pulitika?
“Naku! Parang hindi ko mape-perform na mabuti ang job, hindi ako cut out for politics, no, no.
“And ito I don’t wanna sound high-hearted pero kung gusto ko namang mag-serve, puwede ka namang tumulong kahit na hindi ka nasa pulitika.
“Masama pa nga pag nasa politics kasi all eyes are on you, very ano iyan e, polarized iyan e.
“Some people hate you, some people love you, extreme. Kahit ano ang gawin mo, damn if you do, damn if you don’t.”
Napapanood si Snooky ng House Of Lies ng GMA.
Nasa serye rin sina Kris Bernal, Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, Snooky Serna, Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Kokoy de Santos, sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.