Hinaing ng host, mas maigi pang pumunta sa ibang Asean country kesa sa Pinas… BIANCA NAGREKLAMO SA MAHAL NG PAMASAHE PATUNGONG SIARGAO
Advertisers
Ni Beth Gelena
May post si Bianca Gonzalez hinggil sa domestic travel dito sa Pinas.
Hindi niya napigilan ang mapa-aray dahil sa mahal ng gastos sa pagta-travel papuntang Siargao na nasa loob mismo ng Pilipinas kaysa sa ibang bansa.
Ani ng main host ng PBB, “Paano mo makukumbinsi ang mga Pilipino na maglakbay sa ibang bahagi ng Pilipinas, kung mas mura ang lumipad papuntang Hong Kong, Singapore o iba pang destinasyon sa ASEAN, kaysa sa lumipad papunta sa ilang destinasyon ng turista SA Pilipinas?”
Ibinahagi niya ito sa sariling account kalakip ang kanyang opinyon.
“Totoo. Bakit ganoon. Nag-book kami ng biyahe papuntang Siargao at mas mahal ito kaysa sa biyahe papuntang Hong Kong, Bangkok, o Vietnam.”
“Mas mahirap suportahan ang lokal na turismo dahil ang mahal,” saad pa niya.
Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa madlang pipol ang naging post.
“Siargao at Boracay lang talaga.. Sana tumigil na ang mga tao sa pag-generalize. Ang dami pang lugar na puwedeng bisitahin kaysa sa dalawang ‘yan. Mahal ang Siargao dahil limitado ang mga flight at sakim na mga airline.. para sa akomodasyon, kumpleto ang mga opsyon,” sabi ng isang netizen kay Bianca.
Sabi naman ng isa, “Kaya hanggang pangarap nalang mag Batanes e. Mura pa mag Thailand.”
“and pag dating sa destination left and right yung environmental fee.”
“Kakahiya nga e..Sabi nga ng sis ko nag Indonesia sila Jakarta to Belitung then Singapore ang mura ng ticket sabi niya. Bakit sa atin nga domestic flights sobrang mahal. Batanes nga one way 15k,” sey naman ng isa.
Tama naman ang kanilang opinyon, paano mo nga namang susuportahan ang sarili mong bansa kung sa pamasahe pa lang ay libu-libo na agad ang magagastos.
Syempre mas gugustuhin pa ng Pinoy ang makapabakasyon sa ibang bansa at least nakalabas pa sila ng Pinas at maipagmamalaki pa sa mga kaibigan natatakan ang kanilang passport at hindi sila na a-outcast kapag ang usapan ay ang kagandahan ng Asian countries except ng Pilipinas na gusto mo mang ipagmalaki dahil nga sa mas mahal nilang gagastusin.
***
KYLIE PINAGMALAKI ANG PAMAMASYAL NILANG MAG-INA SA THAILAND
Kaya naman si Kylie Padilla ay ibinahagi ang mga magagandang karanasan ng kanilang pagbabakasyon sa Thailand kasama ang mga anak na sina Axl at Alas.
Nag-post siya ng mga larawan at clip na nagpapakita ng kanilang mga karanasan, kabilang ang paggalugad sa kultura, mga magagandang tanawin, at mga masasayang sandali nilang mag-ina.
Hinangaan nila ang mga magagandang templo ng Thailand at naglakad-lakad sa mga maiingay na kalye na pinalamutian ng mga lokal na bandila.
Pinuntahan din nila mga hayop at bumisita sa mga lokal na pamilihan.
Aniya sa kanyang post, “Salamat Thailand. Ito ang pinakamasayang karanasan.” Binaha ng mga komento ng netizens ang post ng Kapuso aktres at pinuri nila ang pagiging magulang ni Kylie sa dalawang anak na lalaki.
Si Kylie ay kasal kay Aljur Abrenica kung saan biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki.
Kinasal sila ng actor, pero naghiwalay noong 2021 dahil sa personal differences.
Maayos na ang relasyon ng dating mag-asawa at mananatili na lamang na co parenting kina Alas at Axl.