Advertisers

Advertisers

MAHIGIT P40.8 MILYONG HALAGA NG SHABU, NASABAT SA NAIA TERMINAL 3

0 10

Advertisers

Inaresto ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang dayuhan at nakumpiska ang mahigit anim na kilo ng pinaghihinalaang shabu sa isang interdiction operation sa Customs Exclusion Room, Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 3, Pasay City noong Lunes, Enero 26, 2026

Ang suspek, na kinilala sa alyas na “Ralph,” isang 64-taong-gulang na lalaking South African, ay naharang pagdating sa airport matapos matuklasan ng mga awtoridad ang isang (1) itim na backpack na naglalaman ng mga ilegal na droga na nakatago sa loob ng mga improvised na kahon na gawa sa kahoy at mga plastik na pakete na nakabalot ng duct tape at carbon paper.

Ang nasabat na ilegal na droga na nakumpiska mula sa suspek ay nagkakahalaga umano na may karaniwang presyo na nasa PhP40,840,800.00.

Bukod sa mga ilegal na droga, nakumpiska rin ng mga awtoridad ang iba’t ibang mga bagay kabilang ang travel documents, identification card, mobile phones, foreign money at iba’t ibang personal na gamit.

Ang operasyon ay pinangunahan ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group kasama ang partisipasyon ng PDEA Regional Office National Capital Region, Bureau of Customs – Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, PNP Aviation Security Group, Airport Police Department, PNP Drug Enforcement Group, National Bureau of Investigation, at Bureau of Immigration.

Ang suspek ay mahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ang mga nakumpiskang illegal drugs ay isusumite sa PDEA Laboratory Service para sa confirmatory examination, at isasagawa ang naaangkop na inquest proceedings. (JOJO SADIWA)